SA ILALIM NG TAHIMIK NA KABUNDUKAN
READING AGE 16+
Sa kailaliman ng isang liblib na kabundukan ay matatagpuan ang Ravengulod, isang bayang nabubuhay sa ilalim ng mga sinaunang tradisyong hindi kailanman kinuwestiyon. Doon lumaki si Alina Vesper, isang dalawampu't dalawang taong gulang na dalagang hindi kailanman nakatuntong sa paaralan. Hindi siya marunong bumasa o sumulat, hindi niya kilala ang mundong nasa labas ng kabundukan, at buong buhay niyang inakalang ang p*******t at pang-aapi ng sarili niyang mga tiyuhin ay bahagi lamang ng pagiging isang babae.
Ngunit isang malagim na pagguho ng bundok ang gumiba hindi lamang sa kanilang nayon, kundi pati sa mga kasinungalingang bumalot sa kanyang pagkatao. Sa gitna ng operasyon ng pagliligtas ay dumating si Captain Adrian Vale, isang opisyal ng National Search and Rescue Command. Sa kanyang pagtuklas sa lihim ng pamilya Vesper, nalaman niyang ang babaeng kanyang iniligtas ay hindi lamang isang karaniwang dalaga—siya ang nag-iisang tagapagmana ng isang napakalaking kayamanan, at may mga taong handang pumatay upang hindi na niya ito kailanman mabawi.
Nang tumanggi ang mga lokal na pinuno na protektahan si Alina dahil sa bulag na pagsunod sa tradisyon, napilitan si Adrian na gawin ang tanging paraang maaaring magligtas sa kanya.
Pinakasalan niya ang babaeng halos hindi niya kilala.
Isang kasal na isinilang sa pangangailangan. Isang pangakong walang kasamang pag-ibig.
Ngunit paano kung ang babaeng minsang natakot sa awtomatikong pinto, namangha sa unang ilaw ng lungsod, at hindi marunong bumasa ng sariling pangalan... ay unti-unting maging dahilan upang matutuhan ng isang lalaking sanay magligtas ng buhay kung ano ang tunay na kahulugan ng tahanan?
Sa pagitan ng pagtataksil ng pamilya, mga lihim na matagal nang nakabaon, at isang pag-ibig na hindi nila inaasahan, matatagpuan kaya nila ang kalayaang matagal nang ipinagkait sa kanila...
sa ilalim ng tahimik na kabundukan?
Unfold
Kinabukasan, maagang nagising si Alina. Nasa maliit na kahon sa tabi ng kama ang palawit na nakita nila sa puting damit. Ilang beses niya iyong tiningnan bago muling isinara ang kahon. Marami siyang gustong malaman tungkol sa kanyang ina, ngunit sinabi ni Adrian na maghanda muna sila bago bumalik sa kabundukan.
May kumatok sa……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……