Trigger Warning: STONE HEART
Share:

Trigger Warning: STONE HEART

READING AGE 18+

Trendsterchum Chronicles Romance

0 read

Kapag iniisip ko ang buhay ko bago siya dumating, parang panaginip lang ang lahat....isang panaginip na may halong sakit at lungkot. Ulilang-lubos, pinalaki ng kapatid ng aking ina, kasama ang pamilya niyang minahal ko ng buong puso, natutunan kong maging matatag sa gitna ng kawalan. Akala ko sapat na ang pagmamahal ko sa kanila, sapat na ang lahat ng sakripisyong kayang kong gawin para sa kanilang kaligtasan. Ngunit hindi ko alam na may mundo sa labas ng tahanang iyon.  isang mundo ng kayamanan, panganib, at kapangyarihang kayang wasakin ang lahat ng aking pinapahalagahan.Si Andrew Villamor...isang pangalan na palaging sinasambit sa takot at respeto...ang unang nakakita sa akin sa aking pinakamasalimuot na sandali. Brutal, walang puso, at tanging kapangyarihan ang kanyang pinahahalagahan. At sa kabila ng lahat, inalok niya ako ng isang kasunduan: dalawang taon ng pagiging pag-aari niya kapalit ng limang milyong piso, sapat para iligtas ang taong pinakamahal ko sa mundo. Sa simula, tinanggihan ko siya. Tinanggihan ko ang bawat barya at bawat alok. Ngunit nang mamatay na sa aking mga mata si Ramil, nanganganib ang pamilya na iniingatan ko, pumayag ako.Hindi ko akalain na sa likod ng malamig niyang panlabas ay may kakaibang anyo ng pag-aaruga...tahimik, mapagmatyag, at minsa’y nakakabaliw sa dami ng atensyon na ipinapakita niya sa akin. Hindi ako para sa kanya, at hindi siya para sa akin...yung sinabi ng kontrata. Ngunit bawat araw na kasama ko siya, bawat gabing pinoprotektahan niya ang aking pamilya, bawat sandaling hindi niya pinipigilan ang sarili na makita ang aking kahinaan, unti-unti, unti-unti akong nahuhulog.At masakit na aminin, mas kumplikado ito kaysa sa pera o utang na loob. Hindi ko alam kung hanggang saan ako kayang magmahal o kung hanggang kailan siya mananatiling isang misteryong hindi ko lubos maiintindihan. Ngunit sa isang mundong puno ng dilim, siya lang ang liwanag na hindi ko kayang palampasin.

Unfold

Tags: contract marriageHEarrogantbadboystepfathermafiabxgcity
Latest Updated
Quiet Shatter (Daisy POV)

“Ate Daisy, gising na si Papa… pero parang galit na naman siya.”

‘Yon ang unang salitang bumungad sa umaga...boses ni David, mahina pero nanginginig, parang takot na takot na magkamali ng tono. Nasa pintuan siya ng kwarto ko, yakap ang luma niyang stuffed dinosaur na dapat matagal na niyang iniwan pero mas mahigpit pa rin niyang kinakapita……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.