MY ARROGANT YAYA
Brianna Chanelle Monteguado or Anne for short was an arrogant, vain, and b***h. 'Diyosa' ang tingin niya sa kaniyang sarili. Sino mang gustong kumalaban sa kaniya ay napapatiklop niya. Kahit ang sariling ama ay suko na rin sa pagiging arogante ng dalaga.
Iyon ang naging therapy ni Anne sa dami ng heartbreak na pinagdaanan na niya.
Hanggang sa makatagpo niya ang isang mayamang estranghero sa bar. Sa unang pagkikita pa lang ay agad na siyang humanga rito.
Kaya ang akala ni Anne, iyon na ang simula para muling lumambot ang matigas niyang puso. Pero hindi pala. Dahil literal na one-night stand ang nangyari sa kanila. Bigla na lang itong naglaho at hindi na muling nagpakita pa.
But she couldn't forget him. Mas lalong hindi niya ito mapatawad sa pagtalikod nito sa isang Brianna Chanelle Monteguado at muling pagwasak sa puso niya.
Hanggang sa nasagad na ni Anne ang pasensiya ng daddy niya. Ipinadala siya nito sa isang malayong farm para maranasan daw niya ang mamuhay bilang isang ordinaryong tao.
And there, she met Crisostomo Villaverde—ang magsasaka na saksakan ng guwapo.
Dahil sa bitterness ng kaniyang puso, si Anne na lang yata ang hindi apektado sa karisma ni Crisostomo. At wala siyang pake! Lalo at sagad ang kasungitan nito pagdating sa kaniya.
Ginawa pa siya nitong yaya!
Pero aminado ang dalaga na kahit lihim pa rin siyang naghihintay sa pagbabalik ng mayamang estranghero, lihim na kinilig ang puso niya sa magsasakang si Crisostomo nang sa wakas ay ngumiti na ito sa kaniya.
Nang dahil sa ngiti na iyon kaya unti-unting napalitan ng sweetness ang bitterness sa puso ni Anne. Feeling niya, sa wakas ay magiging buo na rin uli ang puso niya.
Until she learned about Crisostomo's secret...
Unfold
One year later…
HINDI napigilan ni Anne ang pagsilay ng matamis na ngiti sa kaniyang labi matapos niyang makita ang kaniyang sarili sa harap ng full-length mirror. After one years, she’s finally wearing her favorite and dream bridal gown. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya makapaniwala na ikakasal na siya kay Cris……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……