Tuwing Dapithapon
Share:

Tuwing Dapithapon

READING AGE 16+

Juris Angela Romance

0 read

Kilala si Badong bilang nangungunang pabling sa San Fabian. Pilyo at maloko. Walang babae ang hindi nahuhumaling sa angking kakisigan ng binata. Ngunit nagbago ang lahat ng masilayan ni Badong ang magandang anak na dalaga ng Gobernador ng kanilang bayan, si Maria Soledad Mariano.
Pag-ibig sa unang pagkikita. Unang beses pa lamang nasilayan ni Badong si Soledad ay sadyang nahulog na ang kanyang mapaglarong puso dito. Mula noon ay wala nang ibang babae sa kanyang paningin maliban kay Soledad lamang. Nagkaroon siya ng pagkakataon na makipagkilala dito nang idaos ng kanilang bayan ang Kapistahan. Sa gabi ng sayawan, sa pagtatangka ni Badong na maisayaw ang dalaga, isang tagpo ang kanyang naabutan na naglagay kay Soledad sa panganib. Nagawa ni Badong na iligtas ito sa nobyo nitong nagtangka itong pagsamantalahan.
Mula nang gabing iyon ay pinangako ni Badong sa kanyang sarili na hindi siya hihinto hangga’t hindi nakukuha ang puso ni Soledad. Tila sinagot ng langit ang kanyang dalangin. Ang minsan pagligtas niya rito ang naging simula ng maganda nilang pagtitinginan. Sa paglalim ng pag-ibig nila sa isa’t isa, sinubok ng tadhana ang kanilang pag-ibig nang mariin tutulan ng ama ni Soledad ang pag-iibigan ng dalawa. Pinaglaban nila ang pagmamahalan kaya’t humantong sila sa desisyon na magtanan. Ngunit sa pagsisimula ng buhay nila bilang mag-asawa, dumating ang ikalawang digmaan pandaigdig na nagbago sa takbo ng kanilang buhay at ng buong San Fabian.

Unfold

Tags: HEdramabxgmysterybrilliantlosercampussmall townwaraddicted to love
Latest Updated
Epilogo

“HANGGANG sa huli ay hindi pa rin sila naghiwalay. Hanggang sa huling sandali ng kanilang buhay ay pinatunayan lamang nila na ang kanilang pag-ibig ay walang kamatayan,” wika ni Lola Ising.

“Nakakabilib. Sa tagal kong nabubuhay sa mundo, saksi ako sa pag-iibigan nila mula sa simula pa lamang. At wala akong nakita na higit sa pa……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.