El Verdadero Amore Del Diablo (El Diablo 3)
Share:

El Verdadero Amore Del Diablo (El Diablo 3)

READING AGE 18+

Rhod Selda Paranormal

0 read

WARNING!
Rated 18
This novel strictly not suitable for minor readers.

ILANG dekada naging ap ang pag-ibig kay Rachell magmula noong makipaghiwalay siya sa tatlong taong nobyo. Subalit nag-krus ang landas nila ng kababata na lihim niyang hinangaan noon. Napatunayan niya na umiibig pa rin siya kay Renzo Del Carmen, ngunit tila mas lalo itong umilap sa kanya.

Subalit isang gabi ay tila nagkaroon ng isang himala nang puntahan siya nito sa bahay niya at walang pakundangang inangkin ang kanyang pagkaberhin. Ang lahat ay nagbago sa buhay niya. Nagising na lang siya kinabukasan na ikakasal sa binata. Ngunit tila sumpa ang pagpapakasal niya rito dahil halos araw-araw nitong isinusumbat sa kanya ang panggagayuma umano niya rito.

Nasugatan ang puso niya at gabi-gabi na umiiyak habang kasama ito ngunit hindi siya magawang pakitunguhan ng maayos. Hanggang sa isang aksidente ang bumago sa lahat. Nang maka-survive mula sa bingit ng kamatayan si Renzo ay tila kabaliktaran na ito ng dating Renzo na pinakasalan niya.

Sa halip na matuwa ay kinabahan siya sa biglaang pagbabago ng asawa. Makakaya kaya niyang yakapin ang panibagong pagsubok sa buhay niya, gayung tila binabalot ng mesteryo at kababalaghan ang buhay nilang mag-asawa?

Unfold

Tags: possessivearranged marriagedominantsubmissivedramatragedymysterybetrayalchildhood crushintersex
Latest Updated
Epilogue

“MOMMY, paglaki ko hahanapin ko si Olive.”

Natawa si Rachell sa sinabi ni Valtazar. “Anak, sa Spain na titira si Olive kaya hindi mo na siya makikita,” aniya sa pitong taong gulang na anak.

“E, ‘di pupunta ako sa Spain,” anito.

Tumawa na naman siya. Sa kasalukuyan niya itong binibihisan. Dadalo kasi sila sa kaarawan ng bunsong ……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.