THAT ONE TIME I MET BRAYDEN JACKSON
Share:

THAT ONE TIME I MET BRAYDEN JACKSON

READING AGE 18+

WannaReadMyStory NewAdult

3664 reads

NOTE: SA MGA MAY GUSTONG SPG AGAD, HINDI PO NINYO IYON MABABASA KAAGAD SA ISTORYANG ITO. SA CHAPTER 45+ PA PO IYON MAGSISIMULA DAHIL MAHABA ANG DEVELOPMENT NG LOVE STORY NG ATING MGA BIDA. THANK YOU!


Brayden Jackson. Iyon na yata ang pinakasikat na pangalan sa Pritil. Kilala ng lahat at talagang pinagkakaguluhan ng mga babae at mga binabae sa kanilang lugar. Sino ba naman ang hindi magkakagusto sa pamangkin na iyon na Aling Marina? Guwapo na, may pinag-aralan at tila hulog ng langit sa kabaitan.

Maging si Aymee ay may lihim din na pagtingin sa binata. Ngunit dahil mas mahalaga sa kaniya ang pag-aaral, minabuti niyang huwag na lamang makigulo sa mga babaeng may pagtingin din dito. Nakuntento na lamang siya sa pagsilay sa binata sa paminsan-minsang pagbili nito sa tindahan na kaniyang binabantayan.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, isang hindi kilalang numero ang tumawag sa kaniya. At ang mas nakagugulat pa ay boses iyon ni Brayden, pinapupunta siya sa lumang lighthouse ng Pritil. Sa kaniyang pagkabigla, hayun si Brayden. Dala ang kaniyang paboritong bulaklak, walang pag-aatubili siyang binigyan ng isang mabilis na halik sa labi, at nagtapat sa kaniya ng pag-ibig. Ngunit kinabukasan ay tila bigla itong naging ibang tao, at bigla na lamang nawala…

Nalaman na lamang niya kay Aling Marina na uuwi na ito sa Amerika, upang ipagpatuloy roon ang kolehiyo nito. Naiwan siya ng biglaan, at doon niya napagtanto na ang halik na ibinigay nito ay halik ng pamamaalam. At lumipas ang mga araw, mga buwan, taon… wala na ang mga babaeng halos araw-araw na nag-iiwan ng regalo rito.

Hindi na maingay ang pangalang Brayden Jackson.

Ngayong ilang taon na ang lumipas, nagising na lamang si Aymee sa maingay na kumosiyon sa labas ng tindahan. At nang buksan niya ang bintana ng kaniyang kuwarto, ang mukha ni Brayden sa kabilang teresa ang agad niyang nakita! Hindi lamang iyon, wala na ang mala-anghel nitong ugali. He is now a rude, annoying womanizer. Hindi na ito ang Brayden noon. The past years have changed him.

Matuloy pa kaya ang naudlot nilang pag-iibigan, kung tila hindi na naaalala ng binata ang ginawa nitong panggugulo sa kaniyang puso at isip bago ito umalis noon?

Unfold

Tags: one-night standsecond chanceplayboystudentbxgcampuscoming of ageenemies to loversfirst lovephotographer
Latest Updated
SIDE STORY 2.15

Kabadong pinagsalikop ni Anjie ang kaniyang mga kamay na nakapatong sa kaniyang mga hita. Kinakabahan siya nang hindi niya mawari, ngunit pilit niya iyong itinago mula sa kay Roco, na nakaupo lamang sa tabi niya. Ilang beses rin niyang napiga ang kaniyang tuhod, at patuloy ang kaniyang piping dasal na sana ay dumating na ang kanilang hinihintay ……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.