Teach Me, Ninong (SPG)
Ito ay kwento ng isang Professor/ Ninong na nahumaling sa kanyang inaanak.
✅ Age Gap
✅ Professor - Student Romance
--------
Simula pagkabata ay hinangaan na ni Yana ang kanyang Ninong Craig na Professor sa isang Unibersidad. Kaibigan rin ito ng mga magulang niya at isa sa gumabay sa kanya noong bata pa. Kahit musmos pa lang ay alam na niya sa sariling may pagtangi siya sa kanyang Ninong. Inasam rin niyang balang-araw sa paglaki niya ay magugustuhan rin siya nito. Nanirahan ang pamilya nila sa U.S. at sa pagbabalik niya sa Pilipinas ay isa na siyang ganap na dalaga. Isa na siyang kolehiyala. Inihabilin siya ng mga magulang na nanatili sa U.S sa kanyang Ninong na isa rin sa magiging Professor niya. Tumira rin siya sa condo unit katabi ng condo ng kanyang Ninong. Sa muling pagtatagpo nila ay nanatiling binata pa rin ang kanyang Ninong na 23 years ang tanda sa kanya. Nanatili din ang pagtangi niya para rito at mas lalo pang sumidhi ang nararamdaman niya sa araw-araw na nakakasama niya ito. Makukuha na kaya niya ang inaasam niya sa kanyang Ninong gayong parang isang anak lang ang turing nito sa kanya?Sa kabilang banda, malalabanan kaya ni Craig ang mainit na tuksong hatid ng inaanak niya na mula pagkabata ay itinuring na niyang anak? Anak-anakan ang turing niya rito hanggang sa bumalik ito mula U.S. Sa pagbabalik ng inaanak, kasabay ng pagbabago ng kaanyuan nito ay ang pagbabago rin ng damdamin niya para sa inaanak. Damdamin na kailangan niyang pigilan dahil inaanak niya ito. Magagawa niya kayang pigilan ang bugso ng damdamin niya sa dalaga kung sa araw-araw na nakikita niya ito ay parang sinisilaban ng kung anong nagbabagang apoy ang buong pagkatao niya?
----
This story contains s*x scenes, drug use and some inappropriate language. Please read at your own risk as a trigger warning will not be designated at each chapter.
This story is not perfect so expect some typo graphical errors, grammatical errors, wrong spellings and other errors.
Copying of the story without the permission of the author is illegal. Plagiarism is a crime.
Unfold
Napangiti ako paggising ko ng umaga habang pinagmamasdan ang mukha ng asawa ko na natutulog. Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapaniwala na ang lalakeng crush na crush ko noon ay asawa ko na ngayon at magkakaroon na kami ng anak. Kabuwanan ko na ngayon at nagpakasal na kami sa civil dalawang linggo matapos siya magpropose ng kasal sa akin. Int……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……