Taruray: The Queen Of Black SERPENTS
READING AGE 18+
Labing-dalawang taong gulang pa lamang si Tatjana Thary Fronda ng mapunta siya sa pangangalaga ng pinuno ng Black Serpents. Bata pa lamang siya ay may galit na siya sa kanyang pamilya at sa kanyang kakambal sa pag-aakalang inabandona siya at kinalimutan.
Inampon siya ni Wilbert Fuentebella, at mula nuon ay naging Taruray Fuentebella na si Tatjana. Pinalaki siya ng pinuno ng Black Serpents na si Wilbert at tinuruan siya kung paano ang maging matapang. Sinanay siya sa kung ano-anong uri ng labanan hanggang sa ipinasa sa kanya ang pamumuno ng organisasyon at tinagurian siyang The Queen of Black Serpents.
Naging mahusay na pinuno ng mafia organization si Taruray, pero ang kanyang misyon ay makapaghiganti sa kanyang kakambal dahil para sa kanya, ito ang dahilan kung bakit nawalay siya sa kanyang mga magulang.
Bata pa lamang siya ay nakilala na niya si Maximo, ang lalaking nais siyang pakasalan sa oras na tumuntong na sila sa tamang edad. Ngunit, bukod kay Maximo ay may lihim din na pagtingin sa kanya ang kaniyang kanang kamay na si Thessius. Ang lalaking bata pa lamang sila ay may lihim ng pagtingin sa kanya, katulad ni Maximo na bata pa lamang ay may pag-ibig ng sumilay sa kanyang puso para sa kanya. Dalawang lalaki, pero iisang babae lamang ang itinitibok ng kanilang puso.
Sino kaya kina Maximo at Thessius ang makakasungkit sa puso ng mabagsik na pinuno ng Black Serpents, at mapatawad pa kaya ni Taruray ang kanyang kakambal, at mawala pa kaya ang galit sa puso niya para sa kanyang mga magulang?
Halina at sabay-sabay nating subaybayan ang kwento ng buhay pag-ibig ni Taruray Fuentebella at ng dalawang binata na nagmamahal sa kanya.
Unfold
┈┈┈┈◦•✩•◦┈┈┈┈
"Jana! Nasaan ka na, Jana!" Umiiyak na sigaw ni Aja habang sakay sila ng yacht at hinahanap nila ang kakambal niya. Pero apat na araw na nilang hinahanap ang kakambal niya ngunit hindi nila ito matagpuan.
Tahimik naman ang kanyang ama at ang kanyang ina na umiiyak lamang habang nakat……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……