Sold to the Billionaire Heir
READING AGE 18+
Lumaki si Calista Althea Chiu sa isang makapangyarihan ngunit istriktong Chinese family—kung saan ang tradisyon ay batas at ang babae ay kailangang sumunod, kahit masaktan. Mayaman ang pamilyang kinalakihan niya, ngunit sa kabila ng karangyaan, ramdam niya ang pagiging bihag ng sariling kapalaran. Sa tatlong magkakapatid, siya ang nag-iisang babae at middle child—tahimik, sunod-sunuran, at laging isinasantabi ang sariling damdamin.Ngunit isang gabi, tuluyang nagbago ang kanyang buhay.Dahil sa desperadong pangangailangan ng pera ng kanyang kuya, isang lihim na kasunduan ang ginawa—isang desisyong hindi niya kailanman pinili. Ibinenta siya bilang “regalo” sa kaarawan ng isang lalaking hindi niya kilala—ang bilyonaryong tagapagmana ng Monaco, si Marcus Romanov.Para kay Marcus, ang lahat ay transaksyon. Para kay Calista, iyon ang gabing ninakaw ang kanyang kinabukasan.Habang nahihila siya sa mapanganib at marangyang mundo ni Marcus, may isang lalaking hindi handang bumitaw—Lixin Wang, ang lalaking itinakdang pakasalan siya. Sa gitna ng yaman, kapangyarihan, at lihim na kasinungalingan, kailangang pumili ni Calista: manatiling pag-aari ng tradisyon, o labanan ang kapalarang ipinataw sa kanya—kahit pa kapalit nito ang kanyang puso.
Unfold
CAFE ROO MALATE — PREMIUM ROOFTOP CAFE…
Naglalaban ang ilaw ng siyudad at ang dilim ng gabi, kumikislap ang Maynila mula sa rooftop—parang isang dagat ng ginto.
Sa loob ng VVIP lounge, relaxed pero elegante ang aura. Naka-de kwatro si Dimitri habang hawak ang baso ng whiskey, si Lander naman ay nakasandal ……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……