UNEXPECTED BOSS
READING AGE 18+
“Nawalan siya ng magulang, pero hindi ang pangarap… Hanggang dumating ang babaeng babago sa lahat.”
Isang business tycoon si Patrick Sandoval at sobrang istrikto nito sa lahat ng bagay, at hindi rin ito mahilig makikihalubilo sa kanyang mga tauhan para lang sa mga simpleng kasiyahan na ayaw din naman nito o hindi n’ya pa naranasan. Mula ng maging ulila ito sa kanyang mga magulang ay mas kinaya n’yang mag-isa at kalimutan ang lahat na masasakit na nangayri sa kanyang buhay. Tanging ang kanyang Lola Nelia lamang ang kanyang nakakasama ang ina ng kanyang nasirang ama. Ito na rin ang nagpalagi sa kanya at hindi naman matatawaran ang pagiging mabuti nito sa kanya na halos buong buhay ng matanda ay ibinigay na sa kanya. Ito ang katulong n’yang magpalaro ng mga iniwang negsyo ng kanyang mga magulang, namatay kasi sa isang plane crash ang mga ito ay dahil sa sobrang nabigla ang lahat sa maagang pagpanaw ng mag-asawa ay walang nagawa si Patrick kung di ituloy ang nasimulan ng mga ito kahit pa sa mura nitong edad na halos labing limang taong gulang pa lamang noon. Ang kanyang tahimik na buhay ay gugulo sa pagdating ng isang babaeng hindi n’ya rin naman inaasahan.
Pamela Solomon, ang dalagang maingay at mataas ang tingin sa kanyang sarili sobra din ang fighting spirit nito at wala din itong laban na inuurungan. Maloko ito at laman ng iba’t-ibang bar subalit walang lalaki ang nagpapaakit dito at kahit pa sabihin mahilig ito sa mga lugar na maraming lalaki ay hindi pa rin naman ito nagkakaboy-friend kahit na minsan. V*rgin pa rin ito at wala itong planong ibigay na lang basta yon sa kung sino lang lalo na kung hindi naman nito mahal ang taong yon. At ang babaeng ito ang gugulo sa buong sitema ng isang Patrick Sandoval na iniilagan ng lahat, but hindi ang mga kababaihan na gusto itong mahilo o makuha.
Magkakilala ang dalawa sa isang bar at dahil pinanganak ngang maloko sa ulo si Pamela at mahilig makipagbiro sa mga kalalakihan ay si Partick ang napili ng kanyang mga kaibigan para maging parusa n’ya ng gabing yon. Natalo kasi si Pamela sa isang dare or consequences, at ang kanyang naging parusa ay hahalikan n’ya ang lalaking matitipuhan ng kanyang mga kaibigan. At dahil sa game sa lahat ng bagay ang dalaga ay nagawa niyang halikan ang binatang si Patrick sa harap ng maraming tao at sa mga kaibigan nito. Napasinghap pa ang mga kasama ng binatang lalaki ngun’t baliwala lang din iyon kay Pamela sanay na s’yang humalik ng mga lalaking gwapo at hindi mukhang babaero. Naghiyawan naman ang mga kaibigan nito ng makabalik na s’ya sa kanilang mesa. Subalit hindi doon natatapos ang lahat ay ang lalaking kanyang hinalikan ay pinuntahan s’ya para gantihan na hindi n’ya inaasahan.
Hanggang sa magtagpo ang kanilang landas dahil sa magiging secretary pala s’ya ng binata na hindi niya alam. Nagulat na lang siya ng makita ang binata na papalapit sa kanya at masama na rin ang tingin nito sa kanya, noong una ay hindi pa s’ya makapaniwala dahil sa hindi kayang isipin ng kanyang utak na ang kanyang magiging boss ay ang lalaking kanyang hinalikan noong nakaraan gabi lang? Magiging magkasundo kaya silang dalawa o magpapanggap na lang si Pamela na hindi nito kilala ang binata at gagawin ang kanyang trabaho ng sa ganoon ay makayanan n’yang makasama ito dahil s’ya ang magiging personal secretary nito. Subalit paano kung ang binata pala ang hindi nakakalimot at dahil doon ay magagawa nitong maghiganti sa babaeng kumuha ng kanyang unang halik.
Ang love story na imposilbleng pagsamahin subalit magiging-isa sa huli.
Unfold
-Patrick-
Ganito pala ang pakiramdam na makasama mo ang taong mahal mo. Yung gigising ka na isang umaga na nasa tabi ko at s’ya rin ang dahilan ng mga ngiti ko. Alam kong hindi lahat ng pagsasama ay ganito ang nagiging kalabasan pero umaasa pa rin ako na maranasan ng iba ang nararanasan ko ngayon. Muli akong napang……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……