Syxrius Therria: Storm of Desolation
READING AGE 16+
(DRAFT)
Hindi niya alam kung nasaan siya ngayon.
Wala siyang kaalam-alam kung paano siya napadpad sa lugar na ito at pinaharap sa madaming nilalang.
Mga kakaibang mata na nagtataglay ng kamaha mangha na abilidad ang nakatutok sa bawat niyang galaw.
Masasabi niya sa kaniyang sarili na isa lamang itong masamang panaginip.
Panagip na nilagay siya sa kapahamakan. Panaginip na walang katiyakan kung makakabalik pa siya sa ulirat at makasama ang mga taong mahalaga sa kaniyang buhay.
Pero nasa reyalidad siya at nakakahinga pa nang maayos.
Kailangan niyang magsakripisyo. Hindi lamang para sa pamilya, para rin sa kapakanan ng mga naninirahan sa mundong kung saan siya nararapat.
Ang sakripisyong iyon ay ang sumali sa karumaldumal na laro na tinatawag ng mundong ito na "Syxrius Therria".
Madami siyang kasamahang manlalaro pero mas kakaiba sila kumpara sa kaniya.
Isa lamang siyang mahina at inosenteng tao na walang kamuwang muwang sa nangyayari sa paligid na bigla na lamang naging manlalaro sa delikadong laro.
Hindi niya alam kung magiging maayos ang lagay niya dito pero pakiramdam niya, hindi siya magiging ligtas.
Dahil hindi lamang basta laro ang sinalihan niya.
Ito'y larong BUWIS BUHAY.
"Ang laro ay magsisimula na! Pagpatak sa isang segundo, lahat ng manlalaro'y maghanda na!"
"Tatlo!"
"Dalawa!"
"Isa!"
"Simulan na natin ang ating laro!"
Story by: Captain Ryan
Unfold
C H R I S T I N A
The weather is warm and perfect for the clear and bright sky. Maaliwas ang paligid na natunghayan ko na pinaliligiran ng mga malalaki at matatayog na mga puno pati mga makukulay na mga nakaka akit na mga bulaklak na nagdagdag ng kagandahan lalo sa lugar. Humahalimuyak ang amoy nito sa paligid. Nagkalat sa paligid a……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……