Stephanie Delgado (Dating Site)
Share:

Stephanie Delgado (Dating Site)

READING AGE 16+

FireDragon0315 Romance

0 read

Si Carmela isang ordinary office girl at si Ismael isang sikat na sikat na actor ay magkakakilala sa isang dating apps. Bigla nalang mapuputol ang kanilang communication dahil sa unti unting nahuhulog ang kani kanilang damdamin para sa isa't isa iiwas si Ismael at puputulin ito dahil sa pag aakala na may ibang Mahal na ang dalagang minamahal, subalit mapaglaro ang tadhana paglalapitin muli sila ng kapalaran. Duon magsisimula ang kanilang pag iibigan na halos walang kapantay na kahit anong bagay, palaging pinararamdam ng lalakeng actor kung gaano niya kamahal ang babaeng pinakamamahal. Matapos ang ilang buwan sila ay magsasama sa iisang bahay, kinupkop si Carmela ng actor matapos magpakasal ni MauMau matalik na kaibigan ni Carmela. Kasal nalang ang iniintay ng binata upang maging official na ang kanilang pagsasama subalit hindi maibigay ng dalaga dahil sa kagustuhan mahanap ang tunay na mga magulang. Nagsikap si Carmela sinunod niya ang ninanais ng puso niya ayon na rin sa mga salitang sinabi ng kanyang Nobyo nagsimula muli siya gumuhit hanggang nakilala ito dahil sa tulong ni Ismael at ilang mga kakilala nito. Naging matunog ang pangalan niya sa industriya at isang araw umuwi si Ismael na may hatid na balita ukol sa isang Architect na nakilala nito. Si Jenz Sandoval isang sikat na architect sa larangan nito, magiging close sila dahil sa mga obra ni Carmela at siya rin makatutuklas ng kaniyang sikreto ang paghahanap sa nawawalang pamilya. Ito rin ang tutulong sa kanya na makilala ang mga ito. Sa wakas magiging buo na ang lahat para kay Carmela dahil makikita na niya sa wakas ang kanyang pamilya at maibibigay na niya ang kasal na matagal ng iniintay intay ng kanyang minamahal. Araw ngayon kung saan ay sasabihin ni Carmela sana kay Ismael ang pagpayag niya sa kagustuhan nito na maikasal na sila upang maging legal na rin sa wakas ang kanilang pagsasama subalit isang matunog na balita ang lumabas buntis ang Actress na si Carla ang leading lady ni Ismael at ang lalaking Mahal niya ang tinuturong Ama. Labis na sakit, puot at hinagpis ang naramdaman ni Carmela para sa lalakeng minamahal walang ano ay umalis siya sa poder nito at nagpakalayo layo. Hindi na natuloy pa ang kasal nila at ang posibleng makita na sana ang pamilya na matagal ng hinahanap.



Unfold

Tags: billionairefatedaloofheir/heiresscomedysweetbxglightheartedcityactor
Latest Updated
CHAPTER 31

“ Huwag muna isipin iyan Carmela. Soon at mahahanap mo rin ang iyong nawawalang Pamilya. Ano palang plano niyo ni Ismael? " pang iiba na naman nitong sabi sa akin.

Ngumiti ako ng tipid “ Plan ko na mahanap muna talaga Pamilya ko before kami pumasok sa seryosong relasyon ”

“ Wow, hindi pa ba seryoso iyang sa inyo? ” gulat nasambot nit……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.