Fantasy Book 1: They Exist
Share:

Fantasy Book 1: They Exist

READING AGE 16+

Neri Fantasy

0 read

Ito ang kwentong magbibigay sayo ng pag-asa
na kahit magkaiba pa kayo ng mahal mo ay mayroon pa ring chance na maging kayo.
Mabigo man kayo o magtagumpay, at least sinubukan niyo. Hindi kayo nagpadala
dun sa bagay na pinagkaiba niyo.



Marami pa ngang misteryo ang itinatago ng
mundo. Marami pang kababalaghan ang hindi pa nalalaman ng mga tao. May mga
nilalang pa na nakikihalubilo sa atin na hindi pa natin nakikilala. Sila ang
mga Exist. Iyan ang tawag nila sa kanilang mga sarili.



Sampung taon lang ang buhay ng isang Exist.
Hindi katulad ng mga tao sa sampung taon na iyon ay kawangis na nila ang isang
dalawampu't limang taong gulang at kasing talino naman ng isang apatnapung
taong gulang na tao. Maliban sa mapanghalina nilang pisikal na kaanyuan ang
bawat isang Exist ay nagtataglay ng isang natatanging kapangyrihan na siya
lamang ang nagtataglay.



Nakatakdang pigilan ni Jelan Areus ang
masasamang adhikain ni Jorizce Avio. Tutulungan siya ni Fantasia at hindi nila
maiiwasang pagyabungin ang paghangang ikinukubli ng bawat isa. Isa na naman
bang kasalanan na dulot ng pagmamahalan ang mabubuo? Paano kung mas maraming
lihim pa ang mabunyag? Kakayanin ba ng isang mortal na babae na umibig sa isang
lalaking iiwan din siya sa kalaunan? Kakayanin ba ng isang Exist na mawala sa
isang babaeng natutunan na niyang mahalin?



Pasukin ang isang bagong misteryo. Buhayin
ang iyong mga pantasya. Ito ang Fantasy Book 1: They Exist.



To my dearest readers:



Dark Erotic Fantasy Romantic Comedy, lahat
po yan ay sasakupin ng FTE. Series po ito at ito ang unang libro. Maambisyon
ang konsepto ng kwentong ito kaya hindi ka dapat bumitiw hanggang sa huli. Sa
lahat ng vampire story lovers dyan heto ang handog ko para sa inyo. Though
semi-vampire story lang ito. Hehe!



Neri Joy Jayson

Unfold

Tags: darkpossessivearrogantmanipulativetwistedbxg5 Seconds of Summer
Latest Updated
#TheProphecy

#TheProphecy

 

Habang tumatakas sina Tasya ay inilahad na niya sa ilan ang propesiya. Naroon ang Pinuno, sina Miah, Jorizce at si Jelan. Ang mga nag-aagaw buhay na sina Jeana at Eva ay naroon din. May ilan pang Exist na nakarinig ng propesiya. Kasama ang mga ito ng Pinuno. Napakaraming nangyari habang sinasaklolohan sila ng mga ……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.