THE NAUGHTY INHERITORS
READING AGE 18+
Ang pagkakaroon ng maayos at buong pamilya at ang maikasal sa taong mahal nila ay isa sa mga pinangarap ni Cataleya o kahit na maging sino man. At nangyari nga ang pangarap nyang iyon ng alukin sya ng kasal ng longtime boyfriend niyang si Cassiv na isang racer at anak ng isang multi-billionaire. Matapos bigyan ng kapahintulutan ng lahat ay nangyari ang pag-iisang dibdib ng dalawa. Tila sinamahan ng maayos at magandang panahon ang bagong kasal, maging ng mga taong nakapaligid sa kanila. Ngunit hindi naging madali ang lahat, katulad ng iba hindi agad sila nabiyayaan ng anak. Ngunit para sa katulad ni Cataleya na may dedikasyon at pangarap at patuloy nilang sinubukan ni Cassiv hanggang sa magbunga nga ito ng isang anak na lalaki. Pero ang saya na ibinigay sa kanila ay parang pinaranas lamang sa mag-asawa na magkaroon at panandaliang kaligayahan dahil sa biglang pagkawala ng anak nila. Gumuho ang mundo ng dalaga ng mangyari ito, ang lahat ng magandang nangyari ay nagbago at nag-iba. At ang mga taong inaasahan nya na tutulong sa kanya sa panahon ng pagdurusa ay siya pang magtataksil at magtataboy sa kanya. Ang aasaya at makulay na mundo pati ang pangarap ni Cataleya ay naglaho na parang bula. Hindi inaasahan ng dalaga, kasabay ng pagkawala mg anak nila ni Cassiv ay mawawala din sa kanya ang lahat at mangyayari ang masasakit na karanasan. Lilipas ang panahon, at isang araw, iminungkahi ng ama ng dalaga na i-manage muna ang ilang ari-arian nila sa Palawan kung saan ang probinsya na kinalakhan ng dalaga. Para na din makapagrelax at malayo ang dalaga sa kalungkutan na nararanasan nya. At makalimutan ang mga taong nagtaksil sa kanya. Pagdating sa El Nido, Palawan, isang lalaki ang muling makikilala ni Cataleya at iyon ay si Dastan. Isang construction worker at may wirdong pag-uugali. Anu ang magiging papel ng binata sa buhay ng dalaga? Isa din ba sya dududrog sa pagkatao nito at magdudulot muli ng panibagong kalungkutan o ang taong tutulong at babalik sa dating masiglang pagkatao nito?
Unfold
Hating gabi nang makarating sila sa bahay. Gising pa ang ama nitong si Mang Kimball at bakas ang gulat at pagtataka ng makita ang dating amo.
"Ma'am Cataleya?"
Napangiti si Cat. "Kamusta ho kayo, Mang Kimball?"
"Ayos naman ako. Teka, ginabi po ata kayo at bakit parang pagod kayo tsaka nasaan ang sasakyan……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……