Magenta Academy (Tagalog)
Magic? Totoo ba'yun? Ewan, basta alam ko sa mga fairytale ko lang nakikita at napapanuod 'yun.
Ang sarap sa isipin kung mayroon kang kapangyarihan. Para sa akin ay astig 'yun kapag nangyari sa totoong buhay. Isipin mo kasi ay kapag nag ka-magic ka ay magiging astig ang mga tingin ng tao sa'yo. Saka maipagta-tanggol mo ang sarili mo mula sa mga masasamang loob.
Oo, nakakatawa mang isipin, pero pangarap ko ang magkaroon ng kapangyarihan o ‘yung tinatawag nilang special ability kahit alam naman nating mga kathang isip lang ang mga magic-magic na'yan.
Hanggang isang araw ay may apat na tao ang biglang sumulpot sa kwarto ko at kinuha nila ako. No, hindi pala sila basta tao lamang. Mga tao silang may mga special ability. Dinala nila ako sa kakaibang lugar. Lugar kung saan lahat ng mga tao ay may magic.
Taong may mga kapangyarihang KIDLAT, TUBIG, APOY, YELO at kung ano-anu pa. Dinala nila ako sa Lugar na tinatawag nilang MAGENTA ACADEMY. Nararapat lang daw akong makisalamuha sa kanila dahil isa rin daw akong taong may special ability. Sa madaling salita, hindi daw ako pang-karaniwang tao lamang. Isa akong babaeng may kakaibang kapangyarihang taglay.
Unfold
Zackery's POV
Dinala ko si Zuzana, Mama Pasing at ang kapatid kong si Zhaira’ng ibon sa Magenta Academy. Nagkakagulo kami ngayon habang nakatingin sa walang malay-tao na sina Zuzana at Mama Pasing.
“Hindi ito pwedeng mag-tagal. Dapat ay hangga’t maaga ay aksyunan natin ito kundi ay matutuluyan silang mamatay.” Saad ni Venuss na alala……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……