DAVE: THE GHOST HITMAN (Sequel MOML The Bodyguard)
Share:

DAVE: THE GHOST HITMAN (Sequel MOML The Bodyguard)

READING AGE 16+

Ms.Blackrose01 Romance

0 read

Dahil sa isang malaking kaso na naresolba niya ay nalagay sa peligro at panganib ang kanyang buhay. Isang malagim na trahedya ang naglayo sa kanya sa babaeng tanging minahal at nagbura ng alaala niya sa loob ng mahabang panahon.

Lahat ay nag-akalang patay na siya pero mula sa hukay ni kamatayan ay babangon siyang muli na may isang masidhing layunin. Sa kanyang pagbabalik ay hahanapin niya ang taong dahilan ng kanyang pagkawala, ang taong may malaki at matinding galit sa kanya. Gagawin niya ang lahat para makapaghiganti hindi lamang para sa mga nasayang na panahon sa buhay niya, kung hindi para sa puso niyang namatay na hindi man lamang niya naipaglaban.

Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay muling mabubuhay ang puso niyang matagal na nahimlay sa babaeng hindi niya dapat mahalin, isang babaeng dapat niyang layuan at huwag bigyan pansin. Ang babaeng ito ay ang nag-iisang anak ng kanyang mortal na kaaway na siyang dahilan sa pagkawala ng babaeng una niyang minahal.

Ano ang kanyang uunahin at nararapat na gawin? Ang kalimutan ang layunin at pagtuuan ang bagong pag-ibig na sumibol sa kanyang puso? O ang ituloy ang nasimulan ng paghihiganti sa may kagagawan ng pag-ibig na nawala sa kanya?

Abangan ang maaksyon na kwento ni Dave Leviste o mas kilala bilang si 'D', ang original na rank 1 at legendary Silver Bullet ng Black Rose International Contract Agency sa "Dave: The Ghost Hitman".


Note: This story is a sequel from MOML The Bodyguard.

Unfold

Tags: spy/agentrevengekickass heroinebravedare to love and hatebillionairessbxgcityoffice/work placebodyguard
Latest Updated
Chapter 91 -God's Way (Finale)

Chapter 91 -God’s Way (Finale)


Isang taon na ang nakalipas mula ng mawala sa amin si David. My wife and three children are still coping up with the loss of one member of our family. Hindi pa kami nakabalik sa normal state which I believe ay malabong mangyari pa. Losing someone that was dear to us made a lot of impact, especially……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.