The Billionaire's Substitute Bride
Share:

The Billionaire's Substitute Bride

READING AGE 16+

MissGhella Romance

0 read

"Siguro ito na ang paraan para maibsan ang kalungkutang nararamdaman ko, kambal. Malapit nang lumampas sa kalendaryo ang edad natin pero wala pa rin akong naipapakilalang boyfriend sa mga magulang natin," may lungkot kong sabi habang nakaharap sa isang full-body size mirror.

Kanina ko pa tinitingnan kung umayon ba sa body frame ko ang white off-shoulder lace dress na pagmamay-ari ng aking kakambal.

"Malay mo naman may tao palang nakalaan para sa'yo, kambal?"

Matamis siyang ngumiti sa akin saka hinigpitan ang pagkakalagay ng pearl sequence sa buhok ko. Sinadya ko itong bilhin kahapon para mas magmukha akong diyosa sa harapan ng mga lalaking makakakita sa akin mamaya.

"Sinasabi mo lang 'yan dahil maraming umaaligid sa'yo, kambal. Habang ako mag-isa pa rin sa buhay at subsob sa pagiging isang interior designer." Napabuga ako ng hangin sa ere saka muli na namang pinagmasdan ang sarili sa salamin. "Alam mo bang konti na lang at magiging bitter na ako sa tuwing may bagong kasal na nagpapaayos sa'kin ng condo?"

Mahina siyang natawa na ikina-kunot naman ng aking noo.

"Just wait for it, kambal. Ramdam kong malapit nang dumating ang prince charming mo."

"Susme! Sobrang tagal naman niyang dumating," natatawa kong sabi. "Huwag na siyang mag-abala pa dahil ako na ang maghahanap sa kaniya."

Ngumiti lamang ito sa akin matapos ay nilapag sa lamesa ang hawak na spray net.

"You're all set."

Humarap ako sa aking kakambal saka nagpasalamat sa opportunidad na ibinigay niya sa akin.

Ngayong araw kasi ay napagdesisyunan kong lumiban sa trabaho dahil may usapan kaming dalawa ni Athena na ako ang dadalo sa engrandeng kasal na pupuntahan na dapat ay pupuntahan niya.

Ayon pa sa aking kakambal, guwapong milyonaryo raw ang mapapangasawa ng kaniyang classmate sa kolehiyo kung kaya naman nakasisigurado itong may mga dadalong kaibigan ng groom. Pinahanda pa nga ako nito ng pangmalakasang bikini dahil sa isang private resort daw gaganapin ang reception ng kasal.

Para naman akong timang na inabot pa ng dalawang oras sa banyo masigurado lamang na malinis at walang libag na naiwan sa aking katawan.

Handa na ako...

Handa na akong madiligan...este makilala ang lalaking magpapatibok sa nananabik kong puso.

Pero hindi pa man ako nakakapasok ng simbahan ay muntik nang mapugto ang aking hininga nang may lalaking lumapit sa akin at walang pag-aalinlangan akong hinawakan sa braso.

"Bitiwan mo ako!"

"Saan mo ba ako dadalhin?"

Hindi ko mabilang kung ilang beses ko siyang pinigilan hanggang sa wala akong nagawa nang kaladkarin niya ako papunta sa hindi ko malamang direksyon.

Kulang na lang mamaos ako dahil paulit-ulit kong sinasabi sa kaniyang kasal ang pupuntahan ko sa araw na ito at baka nagkakamali lamang siya ng babaeng hinatak.

Susko! Kung bakit ba naman kasi lapitin ako ng malas at palagi na lang nasisira ang magagandang planong ginagawa ko sa buhay!

"Sandali lang naman, pogi! Puwede bang pakinggan mo muna ako?" may lambing kong sambit kaya bahagyang lumuwag ang pagkakahawak niya sa aking braso.

Inis nitong ibinaba ang tingin sa akin saka suminghal. "Athena naman! You promised that you'll help me with this. Kailangan kong maipakita mamaya ang marriage certificate nating dalawa sa mga magulang ko."

Kunot ang noo ko siyang tinitigan. "Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na ako si Althea at ang babaeng kausap mo ay ang kakambal kong si Athena. Kaya huwag mo akong pilitin na magpakasal sa'yo dahil hindi ako ang taong kausap mo, okay?"

Nagtagpo ang malalago nitong mga kilay saka mahigpit na naman akong hinawakan sa braso.

"I don't care who the hell you are. Just come with me and pay your twin's debt," aniya.

Sinubukan kong magpumiglas pero mas malakas siya sa akin. Wala tuloy akong nagawa hanggang sa narating namin ang maliit na opisina kung saan naghihintay raw ang abogadong magkakasal sa aming dalawa.

Hindi pa man kami nakakapasok sa loob ay wala na akong ibang ginawa kung hindi mag-isip kung may paraan pa ba para matakasan ko ang gulong pinasok ng aking kakambal.

Ngunit nang makita ko ang mga sinabi nitong magsisilbing witness sa magiging kasal naming dalawa ay agad akong natameme at natulala sa kaniyang tabi.

Diyos ko! Mukha silang mga goons, kay lalaki naman ng mga braso at batak na batak ang mga muscles kahit nakasuot silang lahat ng itim na tuxedo.

Talagang nakakatakot ang mga itong tingnan at pakiramdam ko kaya nilang baliin ang manipis kong katawan sa pamamagitan lamang ng isang kamay.

Kung hindi ako nagkakamali ng hula, malamang binihisan lamang nito ang mga guwardiya niya para magmukhang ninong sa kasal namin.

Sakali mang makatakas ako mula sa magiging kasal namin pero sigurado namang uuwi ako nang lumpo at bali-bali ang mga buto sa aking pamilya.

"I do, Attorney."

Unfold

Tags: billionaireHEfriends to loversdominantblue collarbxglightheartedoffice/work placemultiple personalitysubstitute
Latest Updated
Sweet Revenge 3

MANDY

Napamulagat ako at tuluyang nasemento sa aking kinatatayuan nang maramdamang lumapat ang labi ni Drake sa aking mga labi.

Hinalikan niya ako sa harapan ng mga empleyado at investors na nakapalibot sa aming tatlo nang walang pasabi. Alam ko namang walang masama dahil mag-asawa kaming dalawa pero...for……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.