Hindi Mo Sinabing Paalam
READING AGE 12+
Mula sa simpleng paghingi ng yellow pad, sabay na pagkain ng chocolate bread, pakikinig sa iisang earphone, hanggang sa mga tanghali nilang ginugugol sa rooftop, unti-unting naging mahalagang bahagi ng araw ni Bea ang isang taong hindi naman niya planong mahalin.
Pero habang lalo silang nagiging malapit sa isa't-isa, mas napapansin ni Bea ang mga pagbabagong pilit itinatago ni Allen.
Hanggang isang araw, nalaman ni Bea ang katotohanang matagal nang alam ni Allen.
May sakit siya. At nauubusan siya ng oras.
Ngunit mas masakit kaysa sa sakit ay ang katotohanang habang si Bea ay nagsisimula pa lamang mangarap ng kinabukasan nilang dalawa, si Allen ay unti-unti nang naghahanda para sa araw na wala na siya.
Hindi niya sinabi kung kailan siya mawawala.
Hindi niya sinabi kung gaano na kaliit ang natitira nilang panahon.
At higit sa lahat, hindi niya sinabi kay Bea na sa bawat araw na magkasama sila, parang nagpapaalam na siya.
Kung alam mong may hangganan ang pagmamahalan ninyo, pipiliin mo pa rin ba itong simulan?
At kung dumating ang araw na kailangan mo na siyang bitawan...
paano ka magpapaalam sa taong hindi naman nagsabing aalis na siya?
Unfold
Hindi iyon ang inaasahan niyang marinig. Hindi niya alam kung ano ang ibig sabihin ni Allen, pero may kung anong biglang dumagan sa kanyang dibdib. Kanina, halos hindi siya mapakali sa pag-aabang sa sasabihin nito. Ngayon, parang siya pa ang naiwan sa gitna ng isang usapang hindi naman talaga nagsimula.
Bea: Bakit n……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……