THE LAST CLIENT ( MOTIBO 3 )
READING AGE 16+
A client named Mr. James Perez, Executive Secretary ng prestige developer sa Makati—Star Grove Tower—ay halos mabaliw sa takot. Ilang gabi na siyang hindi makatulog dahil sa sunod-sunod na death threats mula sa isang hindi nakikitang kalaban.
Sa desperasyon, lumapit siya kay Detective Leumas Nugas, ang notorious investigator na kilala sa paglutas ng mga kasong imposibleng maresolba. At kahit may pag-aalinlangan, tinanggap ni Leumas ang kaso… lalo na’t ang pangunahing pinaghihinalaan ni Perez ay ang sarili nitong asawa—
si Veronica: maganda, elegante, at may tinatagong dilim.
Ayon kay Perez, gusto siyang patayin ng kanyang asawa para makawala, sumama sa kalaguyo nito, at angkinin ang lahat ng kanyang yaman.
Pero bago pa man makakilos si Leumas, isang nakakagulat na balita ang umuga sa buong siyudad:
Natagpuang durog at wala nang buhay si James Perez sa mismong opisina niya.
At doon nagsimula ang impiyerno.
Habang sinusuri ni Leumas ang ebidensiya, unti-unting lumilitaw ang isang pattern—hindi lang ito kasong may selos at pera. Ito ay isang orchestrated trap. Isang ilusyon na may nagkokontrol sa bawat galaw. Isang web kung saan:
Ang bawat tao ay may lihim.
Ang bawat lihim ay may kapalit.
At ang kapalit… ay dugo.
At habang mas lumalalim si Detective Nugas sa imbestigasyon, malinaw ang nagiging larawan:
Hindi siya basta naghahanap ng killer—
hinahabol siya ng mastermind na matagal nang naghihintay sa gitna ng dilim.
Isang thriller na puno ng pagtataksil, obsession, at mga katotohanang kayang wasakin ang lahat.
Unfold
Sa madilim at masalimuot na basement ay patuloy na nakikipaglaban sa hamon ng kamatayan ang limang nilalang na halos ay panawan na ng pag-asa. Tanging ang mahinang liwanag na nagmumula sa mga maliliit na butas ng pader sa itaas ang nagsisilbi nilang pinaka tanglaw. Ang kanilang mukha ay balot ng mga dumi at pagkabalisa, ngunit may bahid parin ng……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……