Dangerously His (For Six Months)
READING AGE 18+
BlurbMinsan pala, hindi mo kailangan mamatay para mawala ang buhay mo.Minsan sapat na ang isang scandal.Isang pekeng litrato.Isang click.At lahat ng pinagtrabahuan ko, lahat ng pangarap ko, lahat ng taong mahal ko—nawala.Na-cancel ako bago pa man ako makapaliwanag.Parang sinakal ako ng buong mundo gamit ang mga salita nila.“Pokpok.”“User.”“Fake.”Paulit-ulit, hanggang sa maramdaman kong wala na talagang natira sa akin.Pero ang pinakamasakit?Hindi yung mga taong hindi ko kilala.Kundi siya.Si Brian.Bestfriend ko. Unang minahal ko. Pinaka-pinagkatiwalaan ko.Sa oras na kailangan ko siya, siya mismo ang nauna.Nauna siyang tumalikod.Nauna siyang humusga.Nauna siyang mawala—parang lahat ng taon, lahat ng alaala, wala lang.Walang laban.Walang paliwanag.Walang kahit isang salita na kayang magsalba sa akin mula sa pagkakalunod.At sa gitna ng pagguho ko, dumating ang taong mas dapat kong katakutan.Kairo Valencia.Bilyonaryo. Malupit. At ang tunay na dahilan kung bakit matagal nang lugmok ang pamilya ko.Nag-alok siya ng kontrata:Anim na buwang pagpapanggap.Anim na buwang pagsuko ng natitirang dignidad ko.Anim na buwang paghawak sa kamay ng lalaking pinaka-kinamumuhian ko—pero siya ring tanging may hawak ng pag-asa naming halos wala na.At doon ko naintindihan…Na minsan, ang pinakamalupit na bangungot, hindi ‘yung iniwan ka.Kundi yung mapilitan kang mabuhay—at umibig—sa mismong taong sumira sa’yo.
Unfold
Ilang araw na mula nung pinutol ni Brian ang lahat ng sagot. Chat ko, seen lang o kaya hindi nabubuksan. Calls ko, laging “cannot be reached.” Sa campus, dumadaan siya na parang hindi ako kilala.
Pero ngayong gabi, hindi ko na kaya. Hawak ko yung phone ko, nanginginig yung mga daliri habang tine-type ko ang huling message na baka sa……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……