Law of Attraction
Share:

Law of Attraction

READING AGE 18+

QueenMars Romance

159 reads

Alora Cielo is a musician, singer and dancer. Ulila man ay hindi ito naging hadlang para tuparin ang pangarap niyang maging abogado. She work for it! Ginamit niya ang talento niya para buhayin at pagaralin ang sarili. Because of her dedication, captivating beauty and pure heart she gets Philip Kalei'sl attention.

Sa isang kisap mata his attraction to her turn into love. Paano siya mamahalin ni Cielo kung nananalaytay sa dugo niya ang dugo ng taong sumira sa buhay at pamilya niya? Ang kasalanan ba ng ama ay kasalanan din ba ng anak?

-----

"Cielo"

balak ko sana siyang biruin dahil first name basis na ang pagtawag niya sa akin na dati ay Ms. De Guzman.

Bago pa man ako makalingon ng tuluyan sa kanya ay agad na niya akong hinatak sa aking braso para mapalapit sa kanya. Ang isang kamay naman niya ay mabilis na humatak sa aking bewang.

Nanlaki ang mata ko dahil mariin niyang pinaglapat ang aming mga labi.Magkalapat lamang ito nung una pero ilang sandali pa ay nagumpisa ng gumalaw ang kanyang mga labi. Salitan niyang pinaglalaruan at sinisipsip ang itaas at ibabang labi ko.

Nanginginig ang isang kamay kong napahawak sa kanyang balikat. Nanghihina ako. Nahihirapan akong huminga. Pakiramdan ko'y para akong nauupos na kandila sa mga halik na ginagawad niya sa akin.

Inabandona ng isang kamay niya ang braso kong hinatak niya at marahan itong inihaplos sa aking balikat papunta sa aking leeg na nagbigay ng kiliti sa aking buong katawan hanggang sa mahigpit na itong humawak sa aking batok para mas palalimin ang kanyang mga halik.

Sinisipsip. Hinihigop. kinakagat ganyan ang paulit ulit niyang ginagawa sa labi mga labi ko na nananatiling nakatikom.

Unfold

Latest Updated
Chapter 24: Sorry

Napangiwi ako sa walang pagiingat nitong paghablot sa aking palapulsuhan. Mahigpit yun at mapagparusa. Nakita ko pa ang pagawat ni Dylan sa kanya pero wala itong nagawa. Natigilan ito ng titigan siya ng masama ni Sir Lei.

"Back off" singhal niya.

Mabuti nalang din at malayo kami sa mga tao kaya walang nakakahalat……

Comment