Reaching For Your Heart
FILIPINO | ONGOING
YUGTO CONTEST — ALL THE YOUNG (PARA PAAMUIN ANG PLAYBOY)
“Pinipilit mo siyang abutin habang pinipilit ko ang sarili ko na mapansin mo kahit minsan lang. Kailangan bang lagi muna akong gumawa ng kalokohan para kahit papaano ay makita mo naman ako? Kailan mo ba makikita na higit pa sa isang kaibigan ang tingin ko sa iyo?” – Clyde
Sa buong buhay ni Nana, isa lang naman ang bukod-tanging hinihiling niya at ‘yon ay ang mapansin siya ng ultimate crush niyang si Greg. Si Greg na guwapo, mabait, matalino, at higit sa lahat ay siya ‘yong tipo ng lalaki na boyfriend material na kung tawagin. Lahat naman ay ginawa niya para mapansin siya ni Greg. Marami siyang ginawa para mapansin siya nito.
Ngunit imbes na si Greg ang magkagusto sa kan’ya, paano kung ang childhood best friend niya na si Clyde ang biglang lumapit sa kan’ya at sabihin sa kan’ya na gusto siya nito nang higit sa isang kaibigan, at gagawin niya ang lahat para maabot ang puso nito na si Greg lang ang minimithi?
At paano siya maniniwala rito kung mas madalas pa ang pagpapalit nito ng babae sa araw-araw kaysa sa pagpapalit niya ng damit?
Unfold
“NANDITO NA PALA TAYO SA ROOM MO,” saad niya sa akin nang makita niya na malapit na pala kami rito sa dulo ng hallway kung saan malapit ang room ko. “Pumasok ka na nga.”
“Buwisit!” singhal ko sa kan’ya dahil itulak ba naman niya ako papasok sa room ko?! Gusto ko na lang din talaga itanong sa sarili ko kung paano ko siya napagtiy……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……