foolishly Inlove With You (tagalog)
READING AGE 18+
Hanggang kailan mo mamahalin ang isang taong hindi kayang suklian ang iyong pagmamahal?
Hanggang kailan mo kayang sumugal para sa pag ibig na walang katiyakan?
Meet Jillian, isang simpleng babaeng handang magmahal at maghintay para sa nag iisang lalaking kanyang lihim na iniibig. Unang kita palamang niya sa kanyang boss na si Steven, alam na niyang malaki ang magiging puwang nito sa kanyang buhay. Ito lang naman ang rason kung bakit araw araw siyang inspired at excited sa pagpasok sa trabaho.
Walang araw na hindi niya ito pinagpantasyahan at hiniling na sanay magkaroon ng himala at mapansin siya nito. Hanggang isang araw, natupad ang kanyang pangarap, nakasama niya ito sa isang dinner ng sila lamang dalawa. Abot langit ang sayang kanyang naramdaman ng mga oras na iyon. Nabuhay ang pag asa sa kanyang puso.
Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana. Ang akala niyang magandang simula nilang dalawa ay ilusyon niya lamang pala. Sa hindi inaasahang pagkakataon, madudurog ang kanyang puso. Matutuklasan niyang mayroon na pala itong minamahal.
Pipilitin niyang takasan ang sakit at kalungkutang nararamdaman. Sa di inaasahang pagkakataon, makikilala niya si Lhexis, ang binatang pupukaw sa kanyang makamundong pagnanasa. Ibibigay niya ang sarili dito at pagsasaluhan nila ang isang di malilimutang gabi.
Mayayanig ang kanyang mundo . Pipilitin niyang takasan ang isang gabi ng pagkakamaling nagawa sa piling ng binata.
Akala niya ay hindi na niya makikita pa ang binata pagkatapos ng gabing iyon. Ngunit isang araw magku krus muli ang kanilang mga landas.
Anong gagawin niya kapag nalaman niyang ang unang lalaking kanyang pinag alayan ng kanyang sarili ay pinsan pala ng lalaking matagal na niyang minamahal?
Magagawa ba niyang ang isara ang pinto ng kanyang puso sa lalaking pilit pumapasok dito?
Hanggang kailan niya kayang pigilan ang sarili sa nakakabaliw nitong pag ibig?
Unfold
Chapter 60
Nagpasya si Jillian na manatili sa tabi ni Lhexis at doon na muna magpalipas ng gabi. Habang si Steven naman ay nagpaalam narin na uuwi na muna ng kanyang bahay para makapagpahinga.
" I need to go, but If you'll ever need anything don't hesitate to call me ok?" ani Steven sa kanya ng ihatid niy……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……