Who is the Killer?
READING AGE 18+
Isang gabi, isang laro, at pitong magkakaibigan.
Magsisimula ang lahat sa isang simpleng laro ng Mafia, Doctor, Police, at Detective—isang pampalipas-oras para sa isang panggabing galaan. Sa simula, puro tawanan at asaran lang. Nagpapagalingan sa pagpapanggap, nagtuturuan, at naghahanapan kung sino ang nagsisinungaling.
Pero nagbago ang lahat nang mamatay ang ilaw... at may isang hindi na nagising.
Ang akala nilang laro lang, naging totoong bangungot. Ang mga papel na nabunot nila sa papel—Doctor, Police, Detective, at Mafia—ay naging totoong responsibilidad at panganib. Walang pwedeng lumabas sa silid, walang pwedeng magtiwala, at bawat isa ay may itinagong lihim.
Sa bawat pagpatak ng orasan, kailangang mahanap ng Detective ang tunay na mamamatay-tao bago pa maubos ang mga manlalaro. Liligtasin ba sila ng Doctor, o mas mauuna ang baril ng Police?
At higit sa lahat... sino sa mga kaibigan nila ang nagtatago sa likod ng maskara ng Mafia?
In this game of trust and betrayal, one rule remains: Trust no one.
Unfold
Isang nakakabinging katahimikan ang sumunod sa hysterical na sigaw nina May at Anna.
Sa gitna ng mapulang liwanag na nagmumula sa lumang radyo, nanginginig ang buong katawan ko. Ang dugo sa ibabaw ng mesa ay patuloy na pumapatak sa carpet—pata... pata... pata...—parang bawat patak ay paalala na sa loob ng walong palapag na mansyong……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……