AGE GAP ROMANCE (R18)
Share:

AGE GAP ROMANCE (R18)

READING AGE 18+

NIQUE (MAC) Romance

0 read

"Lyza, kiss me back please. Open your mouth, baby."
"Kuya, I don't know what to do. Hindi po ako marunong humalik."
"I know, baby, I know. Just follow my lead, okay? Now, please open your mouth and focus. Sundan mo lang ang galaw ng mga labi ko. Do you understand, baby?"
Tango lamang ang naging sagot ko. Ipinikit kong muli ang aking mga mata at nagpadala sa bawat galaw ng mga labi ni Kuya Anthony.
***
Si Lyza ay isang first year college student. Mayroon siyang naging kuya-kuyahan noong high school na pitong taon ang tanda sa kaniya. Ito ay walang iba kung hindi si Anthony na dating manliligaw ng kanyang nakatatandang kapatid. Si Anthony ay siya ring nakatatandang kapatid ng high school crush ni Lyza.
Kilalang mapaglaro sa mga babae si Anthony. Katunayan, si Lyza ay naging tagadala ng love letter nito para sa nililigawan nitong guro ni Lyza noong high school. Saksi rin si Lyza sa panliligaw nito sa isang senior student na nakatira sa isang boarding house sa harap mismo ng bahay nila Lyza.
Noong umalis si Lyza sa kanilang lugar para mag-aral sa kapitolyo ng kanilang probinsiya ay nagsimula namang magparamdam si Anthony. Ngunit dahil walang karanasan si Lyza sa isang relasyon o ligawan, parang balewala lang ito sa kaniya. Hanggang sa dumating ang summer vacation at umuwi si Lyza sa kanilang lugar.
Magtatapat kaya si Anthony ng damdamin niya para kay Lyza? Ano ang magiging reaksiyon ni Lyza sa oras na umamin ng nararamdaman ang kaniyang Kuya Anthony na kilalang-kilala niyang playboy? May magandang kahihinatnan ba ang kanilang relasyon gayong tutol ang Papa ni Lyza sa kanilang dalawa?

Unfold

Tags: HEage gapplayboyheir/heiresssweetmysterylosersmall townenemies to lovers
Latest Updated
Chapter 9

Maaga akong nagising kinabukasan kahit wala naman akong mahalagang gagawin sa buong araw. Sa ilang buwan na pagtira ko sa bahay ng nakatatanda kong kapatid ay nasanay na rin ang katawan ko na gumising nang maaga. Bumangon ako at pumunta sa banyo upang maghilamos at magsipilyo. Maya-maya pa ay tinawag na ako ng aking Ate upang sabay kaming kumain……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.