Unconditional Love (COMPLETED)
Share:

Unconditional Love (COMPLETED)

READING AGE 18+

LADY JEZA Romance

0 read

Nang minahal kasi kita ay nalaman kong hindi naman pala masama ang magdamot. Lalo na kung ang ipinagdadamot mo ay ang taong mahal mo."

Matindi ang trauma na dinanas ng kapatid ni Vassyleen dahil sa pagkamatay ng kanilang mga magulang. Kaya nang gumaling si Valerie ay ginawa ni Vassyleen ang lahat para huwag na muling malungkot ang kapatid. Ibinigay niya ang lahat kay Valerie, kahit kalimutan pa ang sariling kaligayahan. At nang minsang mabigo sa pag-ibig si Valerie at nagtangkang magpakamatay, maging siya ay namuhi sa lalaking nagpaiyak dito.
Hanggang sa mapadpad si Vassyleen sa Baler dahil sa isang job assignment at doon ay nakilala niya ang lalaking kumompleto sa kaniyang buhay-si Klyv. Ipinaramdam nito sa kanya ang pag-aalaga at pagmamahal na kahit kailan ay hindi niya naranasan. Malapit na sana silang magkaroon ng happy ending ng lalaki nang isang rebelasyon ang biglang pinasabog ni Valerie. Si Klyv daw ang lalaking nanloko rito.
Sapat na dahilan na iyon para talikuran ni Vassyleen si Klyv sa mismong araw ng kanilang kasal. Ngunit pagkalipas lang ng tatlong taon ay panibagong rebelasyon ang pinasabog ni Valerie- isang katotohanang kailangang harapin ni Vassyleen. Kailangan niyang makabalik sa buhay ni Klyv.
Ang problema: Kaya pa ba siyang tanggapin ng lalaking labis niyang nasaktan?

Unfold

Tags: dramatwistedsweet
Latest Updated
Special Chapter

Masakit ang ulo ni Klyv nang magising kinabukasan dahil sa halos magdamag na paglalasing. Hinilot niya ang kaniyang sentido nang bigla niyang maalala ang kaniyang panaginip. Napakapa siya sa kaniyang mga labi na dinampian daw ng halik ni Vassyleen. Pero bakit ganito ang pakiramdam niya? Parang hanggang ngayon ay nalalasahan pa niya……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.