Ang Lihim ng mga Birhen
Share:

Ang Lihim ng mga Birhen

READING AGE 18+

Sinag Gracia Steamy Stories

0 read

[🔞SPG ALERT!!!🔞]
Sa mata ng lipunan, sila ang depinisyon ng tagumpay, mga babaeng isinilang sa kapangyarihan, biniyayaan ng karangyaan, at kinaiinggitan dahil sa tila perpektong reputasyon.
Si Zara Mayumi Ysobel Sotto, ang "It-Girl" ng bansa at mukha ng isang makapangyarihang political dynasty. Si Airi Mahaliya Tanaka, ang malamig ngunit walang kapantay na Japanese heiress na namumuno sa isang pandaigdigang imperyo. At si Beatriz Marikit Zoel de Victoria, ang aristokratang tagapagmana ng isa sa pinakamatandang angkan na ang bawat hakbang ay dinidikta ng tradisyon at dangal.
Ngunit bago pa man sila naging mga reyna ng kani-kanilang mundo, minsan na rin silang naging tatlong batang ulila na nangakong hahanapin ang isa't isa kapag natupad na ang kani-kanilang mga pangarap. Ang kanilang mga pangalan na lamang ang nagsilbing natitirang hibla ng kanilang nakaraan.
Sa muling pagtatagpo ng kanilang mga landas, hindi lamang tagumpay ang dala nila. Kasama rin nila ang mga lihim na hindi maaaring mabunyag—mga katotohanang kayang wasakin ang mga pamilyang kanilang kinabibilangan, sirain ang mga pangalang matagal nilang iningatan, at ipagkait sa kanila ang lahat ng mayroon sila.
AKLAT 1: The President's Daughter and The Rival's Son
Bilang anak ng kandidatong tumatakbo sa pagka-Pangulo ng Pilipinas, walang puwang ang iskandalo sa buhay ni Zara Mayumi. Ang bawat ngiti, bawat galaw, at bawat desisyon niya ay nakasalalay sa reputasyon ng kanilang pamilya. Ngunit paano kung ang pinakamalaki niyang lihim ay bunga ng isang linggong pag-ibig sa Paris Fashion Week at ang ama ng kanyang anak ay walang iba kundi ang anak ng pinakamapanganib na karibal sa politika ng kanyang ama?
AKLAT 2: The Hidden Pregnancy of the Commander's Secret
Nang muntik nang kitilin ang kanyang buhay, isang lalaking sinumpa ang sarili na protektahan siya ang naging kanlungan ni Airi Mahaliya. Sa gitna ng panganib, unti-unting nabura ang hangganan ng propesyon at damdamin hanggang sa isang gabing hindi na nila nabawi. Ngunit huli na nang malaman ni Airi na si Commander Gavin Alcantara ay nakatali na sa ibang babae sa mata ng batas. Paano mo ipaglalaban ang isang pag-ibig na hindi kailanman naging malaya? At paano mo ipakikilala ang iyong anak kung ang ama nito ay may asawang hindi ikaw?
AKLAT 3: The Billionaire Aristocrat and The Commoner Architect
Lumaki si Beatriz Marikit sa mundong ang dugo, apelyido, at yaman ang batayan ng halaga ng isang tao. Ngunit sa paghahanap ng kalayaang kailanman ay hindi niya naranasan, nahulog ang kanyang puso sa isang simpleng arkitektong si Lucas Reyes. Isang pag-ibig na ipinagbabawal ng kanyang angkan at isang sanggol na maaaring maging dahilan upang tuluyan siyang mawalan ng lahat. Ang kanyang pangalan, mana, at kinabukasan. Kaya bago pa man siya husgahan ng mundong kanyang ginagalawan, pipiliin niyang itago ang katotohanan, kahit kapalit pa nito ang sariling kaligayahan.
Tatlong babae. Tatlong ipinagbabawal na pag-ibig. Tatlong lihim na sanggol.
Sa mundong ang reputasyon ang pinakamahalagang puhunan, isang maling desisyon lang ang sapat upang mawala ang lahat. Ngunit hanggang kailan nila maitatago ang katotohanan kung ang mga ama ng kanilang mga anak ay unti-unti nang bumabalik upang angkinin ang mga pusong minsan nilang iniwan?
Dahil ang pinakamapanganib na sikreto ay hindi ang pagbubuntis.
Kundi ang katotohanang hindi kailanman nawala ang pag-ibig.
This story is a Trilogy Omnibus, a collection of three full-length standalone novels woven into one unforgettable series. Each book follows a different heroine with her own love story, conflict, and happily-ever-after, while all three are connected by a shared past, enduring friendship, and one life-changing secret.

Unfold

Tags: revengedarkforbiddenlove-trianglefamilyHEsystemfatedopposites attractsportymafiasingle motherbillionairessheir/heiresssweetseriouscampusoffice/work placesmall townanother worldwaractor
Latest Updated
KABANATA XXXIII: Mayumi

ZARA MAYUMI


Hindi ko agad nabitawan si Mahaliya. Ilang segundo pa akong nakapikit habang mahigpit na nakapulupot ang mga braso ko sa kaniya, na para bang kapag ako ang unang kumalas, baka bigla na naman siyang mawala at bumalik sa mga taon na hindi ko alam kung nasaan siya. Ang yakap niya ay hindi na katulad ng yakap n……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.