Tale of Aella (Tale Series #3)
Share:

Tale of Aella (Tale Series #3)

READING AGE 16+

_chameehh Fantasy

0 read

--EDITING--
Fantasy collaboration with TinyYuki, FilipinangManunulat, _chameehh, IAM_MARCELINE, LavenderPen, jeimsue15, and Criptica_G.
---
Matapos ang huling atake ng kampon ng kadiliman laban sa mga diwata katulong ang mga nilalang na may kakayahang manggaya o manguha ng kapangyarihan, naubos ang lahi ng mga diwatang may kakayahang gumamit sa elemento ng hangin at tanging ang batang diwata na si Aella na lamang ang natira.
Si Aella ay isang makulit at matanong na bata kung kaya't kinagigiliwan siya ng lahat. Lumaki sa pangangalaga ng mga pegasus si Aella sa isang kaharian na matatagpuan sa itaas ng mga ulap. Habang lumalaki ay itinatatak sa kaniyang isipan na kailangan niyang masugpo ang kampon ni Esterial, ang nilalang na may kakayahang manguha ng kapangyarihan.
Upang magawa ito, kailangang matutunan ni Aella ang tamang paggamit sa elemento ng hangin ngunit hindi pa man ito tuluyang natututunan ni Aella ay kumilos na ang mga kalaban kung kaya't ipinadala ng mga pegasus si Aella sa mundo ng mga tao upang igtas at maitago siya roon.
Doon nakilala ni Aella ang taong unang nagpatibok ng kaniyang puso, si Sherwin. Dahil sa pagmamahal na nararamdaman para sa mortal, tila ayaw ng bumalik ni Aella sa tunay niyang mundo. Hindi malaman ni Aella kung ano ang uunahin niya ngunit mas lalong nagpahirap sa desisyon niya ay ang katotohanang may kahindik-hindik na lihim palang itinatago ang mga nilalang na nagpalaki sa kaniya. Ano ang gagawin niya? Tutulungan ba niya ang mga nilalang na nagpalaki sa kaniya kahit na may malaking kasalanan ang mga ito sa kaniya o hahayaan na lamang niyang maglaho ang mga ito na tila isang abo sa hangin at ipagpapatuloy na lamang niya ang buhay sa mundo ng mga tao?

Unfold

Tags: familygoodgirlprincesstragedybxgcampusmagical worldliessuperpowerstubborn
Latest Updated
Chapter 39

Malakas na nagtawanan ang mga nilalang sa narinig nilang tinuran ni Aella. Hindi sila makapaniwala na hindi kilala ng diwata ang nilalang na si Esterial. "Mahilig kang magbasa ng mga libro ngunit hindi mo kilala si Esterial?" Gulantang na usal ng isang batang pegasus habang nakaupo sa ilalim ng puno.

Lahat sila ay nagtipon-tipon doon at pi……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.