AMBASSADOR XANDER (DELA CUADRA SERIES 2)
READING AGE 18+
Xander Louis Dela Cuadra, kilala sa tawag na Ambassador Xander dahil isa siyang Ambassador o Diplomat sa Spain na ipinadala ng bansa. 37 years old, Guwapo, Matikas at higit sa lahat ay nagmula sa angkan ng dalawang bigating pamilya. Panganay siya sa anim na anak ni Antonio Dela Cuadra na isa sa mga prominenteng pangalan sa bansa. Ganun pa man ang kanyang ama ay kilalang matinik sa chicks kung kaya hindi nagkatuluyan ang kanilang mga magulang dahil ang kanyang ina naman ay nagmula sa pamilya ng mga Politiko. Mayroon siyang lima pang kapatid sa kanyang ama, sa kabila ng hindi nila pagkakaparehas ng mga ina ay naging malapit siya sa mga ito. Sa kanyang edad na 37 ay hindi mo mahahalatang dumaan ito sa isang masalimuot na relasyon nang ang kanyang pinakamamahal na asawa ay ipinagpalit siya sa iba dahil sa kanyang pagiging abala sa kanyang trabaho.
Upang maibsan ang kanyang sakit na nararamdaman dahil sa ginawang pangangaliwa ng kanyang asawa ay itinutok niya ang kanyang buong atensyon sa pagtulong sa mga kababayan niyang OFW na sinawing palad sa bansang Spain. Ngunit sa kanyang pagtulong ay hindi niya inaasahan na makikilala niya si Kristina, isang OFW na muntik ng maabuso ng kanyang amo. Sa kabutihang loob ay kanya itong tinulungan pero hindi niya inaasahan na ang lalaking tinatakbuhan ng dalaga ay isang kilala ring tao sa bansang iyon. Upang mapangalagaan ang kaligtasan ng dalaga ay isinama niya ito sa kanyang tahanan...
Ang buong akala ni Kristina ay isang gwapo, mabait at may malasakit ang diplomat. Kung susumahin ay wala itong kapintasan subalit sa pagtagal niya sa tahanan nito ay malalaman niya ang pinakatatagong lihim ni Ambassador Xander..
Unfold
TINA’S POV
Pagkatapos ng Bagong Taon ay isang linggo pa kaming nanatili ng Madrid bago kami tuluyang umuwi ng Pilipinas. Nanatili kami sa Probinsya nina Ambassador kung saan ang kanyang Lolo Roman ang Gobernador. Magiliw akong tinanggap ng kanyang pamilya lalo na ni Lolo Roman na walang tigil sa kakatanong tungkol sa……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……