Mafia Heir Declan Madrigal
Share:

Mafia Heir Declan Madrigal

READING AGE 18+

Dragon1986 Romance

0 read


2nd Generation of One Last Cry For A Mafia Boss.

Bilang isa sa mga baguhang showbiz reporter ay napunta kay Liegh ang isang misyon na alamin ang sikreto ng top Billionaire sa bansa na si Declan Gomez Madrigal.

Serious at misteryoso ang lalaki. Wala siyang makuhang kahit anong balita na magagamit para gumawa ng malaking ingay na magsasalba sa bumulusok na karera at kumpanya, kaya naisipan niyang gumawa ng pakulo na alam niyang kakagatin ng madla dahil marami ang interesado na malaman ang buhay ng yummy billionaire na si Declan.

Gamit ang pekeng pangalan ay isinulat niya ang isang gawa-gawang balita na ang headline ay bakla si Declan Madrigal, bagay na maging dahilan para muling makabangon ang kumpanyang pinapasukan sa dami ng sales ng latest release nilang magazine. 

Isang  malaking pagkakamali ni Liegh dahil nagulo niya ang tahimik at pribadong buhay ni Declan, bagay na hindi nito nagustuhan matapos makaladkad ang pangalan sa kahihiyan.

Saan nga ba hahantong ang isang gabing naabutan niya itong parang haring nakaupo sa loob ng apartment na inuupaahan niya at handang patunayan sa kan'ya na mali ang malisyosong balitang ikinalat niya?

Paano kung hindi lamang pala isang bilyonaryo si Declan dahil sa likod ng pribado nitong buhay ay nababalot ito ng karahasan?

Magagawa kaya ni Liegh na ilabas ang katotohanang natuklasan alang-alang sa trabahong pinaghirapan?

Paano kung sa huli siya naman ang malagay sa kapahamakan dahil sa kan'yang nalaman? Isusugal ba niya ang buhay para protektahan ang lihim na natuklasan sa pagkatao ng mafia heir na si Declan Madrigal?

All Rights Reserved, 2021
Do not copy, plagiarism is a crime.
©️ Dragon1986

Unfold

Tags: billionairerevengepossessivekidnapCEOmafiadramacityoffice/work placebetrayal
Latest Updated
EPILOGUE

DECLAN

"Ang g'wapo naman ng asawa ko," nakangiting sabi ni Liegh habang inaayos niya ang kurbata sa leeg ko.

"Of course, bagay tayo. Maganda ang asawa, kaya dapat lang na g'wapo ako."

Ngumiti lang ang asawa ko na natatawa dahil sa sinabi ko. Dapat lang na g'wapo ako sa paningin niya dahil naririndi n……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.