Spectacular Journey (R18+ TAGALOG)
Share:

Spectacular Journey (R18+ TAGALOG)

READING AGE 18+

Shinzanzou Romance

0 read

TULIAN GIRLS SERIES #1
(Luhan & Cresha)


"Maling desisyon ba ang mahalin ako, Cresh?"

"Oo! Ikaw ang pinakamaling desisyon na ginawa ko sa buong buhay ko."

--

Sa sobrang pagmamahal ni Cresha sa nobyong si Luhan ay pinili niyang hindi tapusin ang kan'yang pag aaral at suwayin ang kan'yang mga magulang. Sumama siya kay Luhan at nakipagtanan rito.

Nabulag siya sa pagmamahalan nilang dalawa kung kaya't hindi niya naisip ang magiging kahihinatnan ng mga mali niyang desisyon. Ilang taon ang lumipas bago siya bumalik sa Maynila at doon niya napagalamang namaalam ang kan'yang ama at ang pagtatanan nilang dalawa ang dahilan nito.

Gayunpaman ay hangad pa rin ng kan'yang ama ang kaligayahan niya kung kaya't bago ito namaalam ay hiniling nito ang kasal nilang dalawa ni Luhan.

Pero nagkamali si Cresha nang isipin niyang matapos niyang magpakasal sa lalakeng kan'yang pinakamamahal ay magiging mala-fairytale na ang kan'yang buhay. Dahil ang katotohanan ay hindi lahat ng ikinakasal ay nagiging matatag sa tuwing hinahamon ng panahon.

Ang iba ay nagiging marupok at nabubuwag sa isa't-isa kapag hindi na nila kinayang kumapit pa.

Paano nga kaya kung ang pag aasawa nina Cresha at Luhan ay parang kahoy? Habang tumatagal lalong rumurupok. Habang tumatagal unti-unting nabubuwag sa isa't-isa.

Hanggang saan ipaglalaban ni Cresha ang pagmamahal niya sa lalakeng magiging dahilan ng pagkawala ng mga taong importante sa buhay niya? Hanggang saan niya paniniwalaan ang pagmamahal niya sa taong dahilan ng lahat ng pagluha niya?

--

Spectacular Journey
A novel written by : Shinzanzou

Unfold

Tags: one-night standescape while being pregnantsecond chancefriends to loverspregnantdramatragedysweetbxgheavy
Latest Updated
Epilogue


--

Sinag ng araw ang sumalubong sa akin paglabas ko ng library. Natapilok pa ako't kamuntikan ng mahagkan ang sahig. May iba akong narinig na nagtawanan pero hindi ko na lamang pinagtuonan ng pansin.

"Ayos ka lang?"

Pero sa kabila ng tawanang iyon ay mas nangibabaw ang tinig ng isang anghel.

Tinulungan niya akong ……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.