Insidious Love Affair [Book-5 The Walker’s Family]
READING AGE 18+
“WARNING! MATURED CONTENT! Read at your own risk...”
“You will only receive your inheritance once you are married and have a son to present to me." Asher Walker
Ito ang mahigpit na kondisyon ng ama nina Evan at Blair, ang kambal na anak ni Mr. Asher Walker. Sa kagustuhan ni Evan na mahawakan ang Blaise Corporation na pag-aari ng kanyang ina ay ipinahanap niya ang babaeng nabuntis ng kanyang kakambal, si Keiko Colter Kai. Inalok ni Evan si Keiko ng isang milyon at inako rin niya ang pagiging ama sa anak nito. Bilang kapalit ay magpapanggap sila sa harap ng kanyang pamilya bilang mag-asawa.
Subalit, labis na naguguluhan si Evan kung bakit hanggang dun na lang ang takot sa kanya ng dalaga. At naging palaisipan para sa kanya kung ano ang ginawa ng kakambal niyang si Blair kay Keiko para magkaroon ito ng matinding trauma.
Dala ng matinding kagipitan upang ma-iligtas ang anak na may sakit ay walang pag-aalinlangan na tinanggap ni Keiko ang marriage agreement na inalok sa kanya ni Evan. Kahit punô ng takot at matinding pangamba ang puso ni keiko ay sinubukan pa rin niyang sumugal at makipagsapalaran. Ngunit, paano isusuko ni Evan ang mag-ina sa kanyang kakambal kung sa hindi inaasahang pagkakataon ay umibig na siya kay kieko?
Isang nakaraan ang pilit na tinatakasan, ngunit tadhana na ang nag-uugnay sa kanilang dalawa. Paano kung malaman ni Evan na malaki ang naging papel niya sa buhay ng mag-ina? At siya pala ang multo na pilit tinatakasan ng dalaga. Isang makasariling pag-ibig na handang pumatay, ngunit, gagawin ang lahat para lang muling mabuo ang puso na minsan na nitong winasak.“
Isa na namang kwentong pag-ibig mula sa pamilyang Walker ang ating aabangan araw-araw - “INSIDIOUS LOVE AFFAIR”
Unfold
“Keiko!” Si Rose mula sa aking likuran, ilang sandali pa, hinihingal na lumapit siya sa akin.
“Huh? Rose, bakit hinihingal ka? Anong nangyari sayo?” Nagtataka kong tanong, kasalukuyan akong naglalakad patungo sa exit ng university. Katatapos lang kasi ng last subject ko at ngayon ay pauwi na ako sa baho kong tinutuluyan.
<……Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……