The Divine Mission
Share:

The Divine Mission

READING AGE 16+

_chameehh Fantasy

0 read

Si Jerome ay isang bully'ng Kuya kay Shaina o mas kilala bilang Ayna. Magkasundo ang dalawa ngunit mas maraming pagkakataon na sila ay nag-aaway at nag-aasaran.

Kahit magkapatid, magkataliwas naman ang kanilang paniniwala. Si Ayna ay naniniwala sa mga anghel ngunit ang kaniyang Kuya ay hindi kaya naman ginagawa niya ang lahat upang mapaniwala ang kaniyang Kuya.

Isang araw, hindi inaasahan na mawala ang kaniyang kapatid. Ginawa lahat ni Jerome ang kaniyang makakaya upang mahanap ang kapatid nang isang aksidente ang hindi inaasahang nagpabago ng kaniyang buhay.

Sa isang iglap, isang anghel ang kaniyang nakaharap at siya ay naatasang gawin ang isang misyong kailanman ay hindi niya naisip na mangyayari: ang hanapin sa mundo ng mga tao at ibalik ang pananampalataya ng anghel na si Anya na nagawang talikuran ang kaniyang tungkulin kapalit ang kaniyang kapatid.

Magawa kaya ni Jerome ang kaniyang misyon at igtas ang kaniyang kapatid o siya rin ba ay mahuhulog sa malalim na bangin ng kasalanan? Ating samahan si Jerome sa kaniyang misyon.

Unfold

Tags: arrogantbraveno-couplelightheartedcityanother worldcoming of agesupernaturalspiritualbrothers
Latest Updated
Special Chapter

"Hindi nga kasi totoo ang mga anghel!" Padabog na binuksan ni Ayna ang gate namin at dire-diretso ang lakad papasok sa bahay. Bumuntong hininga ako bago isinara ng maayos ang gate namin. "Ayna, bakit ba nagagalit ka? Kailangan ba na maniwala rin ako dahil lang naniniwala ka?"

Ibinaba ko ang bag sa sala. Wala rito si Lola kaya dumiretso ako……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.