Dance of the Two Dragons
Share:

Dance of the Two Dragons

READING AGE 18+

Vincent Little LGBT+

0 read

Hindi ginusto ni Nikolai na mapunta sa nakaraan kung saan ang panahon ng pamumuno ng isang hari. Inasahan nga niyang maglalaho na siya dahil nasunog ang buo niyang katawan. Ngunit nangyari na lamang na nagising siya sa hindi pamilyar na lugar. Nadala siya roon dahil sa medalyong ninakaw ng kaniyang dalawang kaibigan.

Ang ginintuang medalyon ay pagmamay-ari ng isang hari na hindi naitala ang buhay sa kasaysayan, kahit ang pangalan ng pinuno ay walang nakaaalam. Pinagawa ng hindi kilalang hari ang medalyon para sa tinatangi ng puso nito matapos na magpaalam ng minamahal sa mundong ibabaw.

Sa nakaraang iyon nakilala niya ang binatang si Dermot na isang prinsipe pa lamang. Hindi naging maganda ang una nilang pagkikita sa kagubatan lalo na't sa paraan ng pagsasalita nito ay nalalaman niyang galit ito sa kaniya. Inakala niyang nagkakamali lang ito't nakikita lang nito ang taong kapangalan niya rin sa panahon na iyon. Naunawaan niya rin naman kung bakit ito puno ng galit para sa kaniya nang mapunta siya sa palasyo.

Sa pananatili niya nakaraan napagtanto niyang mayroong dahilan kaya siya dinala ng medalyon roon. Nalaman niyang ang espiritu niya sa kasalukuyan ay bumalik sa nakaraang siya na isa ring prinsipe katulad ni Dermot. Sa una ay hindi siya makapaniwala ngunit kalaunay natanggap niya rin naman dahil wala na rin naman siyang magagawa.

Naisip niyang pagkakataon niya na iyon para mabago ang hinaharap, maaari niya pang igtas ang kaniyang dalawang kaibigan na nabubuhay din sa panahon na iyon. Ito ang tanging laman ng isip niya habang naghahanap ng paraan kung paano makabalik sa kasalukuyan kaya hindi niya kaagad nalaman ang tunay na dahilan.

Kaya siya dinala sa nakaraan ay para mabago niya mismo ang kasaysayang nasira dahil lang sa nagmahal ang nakaraang siya sa kapwa niya lalaki, ang taong iyon ay walang iba kundi ang prinsipeng si Dermot na kalaunay magiging hari. Ang hindi niya alam nakita niya na ang prinsipe sa kasalukuyan, hindi niya lang ito nakilala.

Sa huli nalagay siya sa sitwasyong kailangan niyang mamili kung dapat nga bang manatili siya sa nakaraan o bumalik sa kasalukuyan kung saan siya dapat nabubuhay.

Unfold

Tags: darkkingtragedysweetbxbmysteryscarydisappearanceenemies to loversmxm
Latest Updated
Kabanata 47

SA PUNTONG pagmulat niya ng kaniyang mga mata naramdaman niya kaagad ang matinding pananakit ng kaniyang buong katawan, nanunuot ang sakit sa kaniyang balat na tila umaabot pa sa kaniyang buto. Kung kaya sa pagbangon niya nang paupo nasapo niya ang kaniyang noong bahagya ang init. Inikot niya kapagkuwan ang kaniyang paningin sa kinalalagyan niya……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.