SA IYONG PAGLISAN
Share:

SA IYONG PAGLISAN

READING AGE 18+

TitaAmor07 NewAdult

0 read

“SA IYONG PAGLISAN, HAPDI ANG SIYANG NARAMDAMAN.”
Naniniwala si Aquarius na lahat ng mga nangyari sa nakaraan ay may mga aral na pwede niyang dalhin sa kasalukuyan. Lahat ng kanyang mapait na pinagdaanan ay nagbigay iyon sa kanya ng tapang. Iyon nga lang, hindi na niya napaghandaan ang matinding pagsubok na dumating sa kanya.
Ipinagdasal lang naman ni Aquarius ang masayang buhay kasama ang kanyang asawa at anak. Pero dahil sa isang trahedya na sangkot ang kanyang asawa, lahat ng gusto niyang mangyari para sa sariling pamilya ay hindi na niya magawa—kailanman. Maaga silang iniwan nito. Nag-iwan ito ng matinding sugat sa kanyang puso. Kung wala lang ang kanyang anak na kailangan siya, mas gugustuhin niya na lang na sumunod dito.
Sa ilang taon ng pangungulila, biglang nagpaparamdam sa kanya ang matalik na kaibigan. Agad naman niyang pinagtapat dito na wala itong pag-asa sa kanya. Ayaw niya na hindi maging patas sa nararamdaman nito. Ayaw niya na pilitin ang sarili niya gayong alam niya na ang yumaong asawa pa rin ang sinisigaw ng kanyang puso.
Sa kabila ng pagsabi ng katotohanan sa kanyang nararamdaman, matigas pa rin ito. Wala itong balak na sumuko. Ipaglalaban nito ang nararamdaman sa kanya. Sinigurado nito sa kanya na makukuha siya nito.
Ngayong kinakatok muli ang kanyang puso. Magagawa pa rin kaya niyang magmahal muli? Magawa kaya niyang suklian ang pag-ibig ng kaibigan? O mananatili pa rin sa kanyang puso ang matinding takot dahil sa sinapit ng kanyang unang pag-ibig?

Unfold

Tags: HEopposites attractheir/heiressbxglightheartedhighschoolseductivewild
Latest Updated
43 (Part 2)

Napabuntonghininga na ako. Para akong nakawala sa hawla. Kanina pa gusto pag-usapan ang bagay na ito. Para na ngang naging pipi ako sa loob mismo ng kwarto ko.

”Umarte ka. Magwala ka pag-uwi. Ipakita mong galit ka. Ipakita mong rebelde ka,” sabi ni Tito.

“Pero paano sila Lolo at Lola? Baka mag-aalala sila,” sabi ko. Nag……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.