ANGELO VILLARIN: INFERNO OF DESIRE
READING AGE 18+
Galit ang dahilan kung bakit nagbalik si Zenaida sa Pilipinas, galit dahil sa biglaang pagkamatay ng kanyang kapatid na si Lyka. Walang nakaaalam ng buong katotohanan, pero isa lang ang sigurado si Zenaida: may kinalaman ang pamilyang Villarin. Lalo na ang nobyo ni Lyka na si Angelo—ang lalaking halatang may tinatago.
Upang makamit ang hustisya, nagkunwaring ibang tao si Zenaida at palihim na lumapit sa pamilya Villarin, lalo na kay Angelo. Pero habang papalapit siya sa katotohanan, unti-unti rin siyang nahuhulog sa bitag ng mapanuksong karisma ng lalaki. Sa halip na makaganti, puso niya yata ang nabihag.
Ngayon, may mabigat siyang tanong. Ipagpapatuloy ba niya ang paghihiganti sa lalaking dahilan ng kanyang sakit, o susundin ang t***k ng pusong unti-unti nang natututong magmahal muli?
Isang kwento ng lihim, pag-ibig, at paghihiganti na magpapatibok ng iyong puso at mag-iiwan ng tanong—Hanggang saan ang kaya mong isuko para sa katotohanan… o para sa pag-ibig?
Unfold
SA LOOB ng sasakyan ay tahimik lamang si Zen. Hindi pa rin pumapasok sa isip niya ang lahat ng mga nalaman mula kay Angelo. Tahimik ang paligid, tanging ugong ng makina ang maririnig. Malamlam ang mga mata niya habang nakatutok sa kalsada, ngunit halata sa mukha ang bigat ng iniisip. Katabi niya si Ange……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……