The Billionaire's Beautiful Mistress
Share:

The Billionaire's Beautiful Mistress

READING AGE 18+

dloveOdyssey Romance

0 read

"Pero may asawa ka na." nalilitong gagad ni Jasmin.
"Dahil ba may asawa na ako, hindi mo na ako puwedeng mahalin? Hindi mo na ba ako mamahalin? "
Minasdan niya ang guwapong mukha ng kaharap. "Mahal kita. Mahal pa rin kita. Pero hindi na tayo puwede ---."
"Sino ang maysabing hindi na tayo puwede?" putol nito sa kanya.
Huminga siya ng malalim. "Alam nating pareho na bawal ang relasyon natin, Rafael. Alam nating pareho na hindi na tayo puwede. At isa itong malaking kasalanan. "
"Anong gusto mong gawin ko? "
Hindi siya nakasagot. Sasabihin sana niyang layuan nalang siya nito subalit hindi niya kaya. Hindi kaya ng puso niya na mawalay kay Rafael.
Sinapo ng dalawang kamay nito ang mukha niya pagkatapos ay mariin siya nitong hinalikan sa labi. Saglit lamang iyon pero sapat na iyon upang manaig sa kanya ang pagmamahal sa lalaki keysa ang pakawalan ito.
"Rafael... "
"Mahal kita Jasmin. At mahal mo rin ako. Walang makakapaghiwalay sa ating dalawa. Kahit ang asawa ko pa. Naiintindihan mo? Hindi kita lalayuan at hindi ako papayag na layuan mo ako. Mahal na mahal kita... "
Nag-aalab ang mga matang nagtitigan sila kasunod niyo ay muli nitong sinakop ang kanyang labi. Sa isa pang sandali ay muli silang nagkasala....
----------------------------------------------------------------------------------------------
Kailan nga ba matatawag na kabit ang isang tao? Kapag ba tinawag na kabit, lover, number 2 or 3, MISTRESS ay masama na? Bakit nga ba nagiging negatibo ang tingin ng mga tao sa isang taong pumapatol sa committed na?
Si Jasmin Rivas. Isang magandang nilalang sa mundo. Sa pagkakakilala ng nakararami ay isa siyang ulirang babae sa lahat ng bagay. Napakaganda, matulungin, mabait, pilantropo, mapagkawang-gawa. Subalit may isa siyang lihim. Siya ay nagmamahal sa isang lalaking may asawa na. At ang pagmamahal na iyon ay sinuklian ng lalaking iyon kaya naman nagkaroon sila ng relasyon.
Alam niyang mali ang kanyang ginagawa. Subalit kailan ba naging tama ang mali kapag umiibig ka? At ang mali ay nagiging tama...
“Ako si Jasmin Rivas. At isa akong KABIT. Pakiusap. Huwag niyo akong husgahan. Sapagkat hindi ninyo alam ang aking kuwento...”

Unfold

Tags: dramatwistedsweetheavygorgeousseductive
Latest Updated
The Finale

MALALIM na ang gabi. Pero gising na gising pa rin ang diwa ni Jasmin. Maging ang kanyang sistema ay hindi dinadalaw ng antok. Nakatanaw siya sa kalangitan habang may munting ngiti sa kanyang labi. Kasing aliwalas ng panahon ang kanyang mukha at kagaya ng mga nagkalat na mga bituin sa langit ang ningning ng kanyang mga mata. Isang napakaganda……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.