Dangerous Temptation
Share:

Dangerous Temptation

READING AGE 16+

snowqueencel Romance

0 read

Lumaki sa isang marangyang pamumuhay si Kylie Aragon. Kaya naman ay sanay itong nakukuha ang anumang gustuhin niya. Bukod roon ay palagi rin itong nangunguna sa buong klase. Marami rin ang mga kalalakihan na talaga namang humahanga sa kanya nang dahil sa taglay niyang ganda at talino. Higit sa lahat ay ito lang naman ang nag-iisang tagapagmana ng Aragon Group of Companies.Ngunit ang hindi alam ng nakararami na sa likod ng halos perpekto niyang buhay ay mayroon itong sikreto na pilit itinatago. Dahilan para ilayo niya ang sarili sa iba upang maiwasan na muling maulit ang isang trahedya mula sa kanyang nakaraan na hindi pa rin niya magawang ibaon sa limot.Hanggang sa makilala niya si Caleb Valiente. Ang lalaking itinalaga ng kanyang ama upang maging personal niyang bodyguard na magpoprotekta sa kanya.Ang kaso lang ay hindi sila magkasundong dalawa. Sa hindi malamang kadahilanan ay naiirita si Kylie sa presensya nito. Para kasi siyang bata kung tratuhin ni Caleb at talaga namang wala itong palya sa pagbuntot sa kanya saan man siya magpunta. Kung tawagin pa siya nito sa kanyang pangalan ay para bang matagal na silang magkakilala.Pero paano kung kailan naman nahulog na ang loob niya rito at nadala na siya sa temptasyon ng pangangatawan nito na tila balewalang inilalantand nito sa kanyang harapan ay saka naman niya madidiskubre na mayroon pa itong ibang pakay bukod sa pagiging bodyguard niya? Na mayroon itong personal na dahilan kaya gusto siyang protektahan nito?Mapipigilan ba ng mga malalantad na sikreto ang pag-ibig na unti-unting umuusbong sa kanyang puso? O magiging sandigan niya ito sa mga paparating pa lamang na pagsubok?

Unfold

Tags: fatedvampire
Latest Updated
Kabanata 9.1

Kylie

Hindi ko magawang kumilos mula sa kinapupuwestuhan ko. Tulala lang akong nakatingin kay Caleb habang nakikipagpalitan siya ng putok ng baril sa kung sino man na nakatago mula sa balkonahe.

Where the hell did his gun come from, anyway? Ni hindi ko man lang napansin ’yon kanina habang nag-uusap kami.

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.