The Revenge of the Unwanted Mrs. Vergara
Share:

The Revenge of the Unwanted Mrs. Vergara

READING AGE 18+

RheanMccabe Suspense/Thriller

0 read

An entry to Yugto Girl power contest


Nanggaling sa isang mayamang pamilya si Marie France Fuentebella. Siya ang nag iisang tagapagmana ng lahat ng ari-arian ng pamilya niya. Maaga siyang naulila kung kaya lumaki siya sa pangangalaga ng Lolo at Lola niya.

Sa kolehiyo niya nakilala si Dave Vergara. Isa itong fourth-year graduating student habang siya naman ay first year pa lang. Mabilis nahulog ang loob ng dalaga sa binatang hinahangaan ng lahat at nagpakasal sila matapos niyang grumadweyt sa kolehiyo.

Botong-boto ang lolo at lola ni France kay Dave kung kaya sa lalaki na siya inihabilin ng dalawa. Kay Dave na rin muna nila ibinigay ang pamamahala sa mga kumpanyang ilipat sa pangalan ni France pagtungtong niya sa edad sa dalawamput-lima.

Ilang buwan makalipas ang kasal ay halos sabay na namatay ang lolo at lola ni France, kasabay rin noon ang pagkakadiskubreng mayroon siyang sakit sa puso. Lahat ng pagmamay-ari niya ay nasa pamamahala ni Dave sapagkat ito na ang tumatayong guardian niya.

Masaya naman ang buhay ni France. She is living a good life at mayroon siyang asawa na mahal na mahal siya. Iyon nga lang, hindi sila pwedeng magkaroon ng anak dahil sa kalagayan niya.


Isang araw, narinig niya na may kausap ang asawa sa telepono at inuutusan nito ang taong 'yon na patayin siya. Hindi makapaniwala si France sa narinig at noong sinabi niya iyon sa kaibigan niyang si Cindy, sinabi nito na baka nagkamali lang siya ng dinig. Pinagwalang-bahala iyon ni France, baka nga kase nagkamali lang siya ng narinig. Hanggang sa isang gabi, bigla na lang may bumangga sa sasakyan niya.

That guy killed her. Bago siya tuluyang malagutan ng hininga ay narinig niya pang may kausap ang lalaki sa telepono. It was Dave! Her husband.

Isinumpa niyang babalik siya at maghihiganti sa ginawa ng lalaki sa kanya.

Nagising si France kinabukasan. Laking pasalamat pa nga niya na nagising siya at panaginip lamang ang lahat ngunit hindi pala. Nagising siya pero nasa ibang katawan na siya. Nasa loob na siya ng katawan ni Yassi, ang asawa ng lalaking pumatay sa kanya kagabi.

Ngayon na binigyan siya ng pangalawang pagkakataon para mabuhay, maghihiganti kaya siya kay Dave, o pipiliin na lang na mabuhay ng tahimik kasama si Ibrahim?

Unfold

Tags: revengebody exchange/body swapgoodgirlmysteryfemale leadrealistic earthrebirth/rebornintersexgorgeousnaive
Latest Updated
Chapter 2

Chapter 2


"Sigurado ka ba na iyan ang narinig mo? Baka naman nagkamali ka lang." Sagot sa akin ni Cindy matapos kong ikwento sa kanya ang mga narinig ko kahapon sa opisina ni Dave. Ayaw niya akong paniwalaan. Baka daw guni-guni ko lang ang mga narinig ko. She even suggested na baka kailangan ko na ring magpatingin sa isang e……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.