Womanizer LAWYER ( Tagalog )
READING AGE 18+
Sa edad na dalawampu't walo, si Lath Vincent Montemayor ay isa nang pinakabatang at pinakamatagumpay na CPA-Lawyer sa bansa. Wala pang kasong hinawakan na natalo. Dahil sa sunod-sunod niyang tagumpay, marami na rin ang nagtangkang patahimikin siya.
Ngunit ang pinakamalaking laban niya ay hindi sa loob ng korte.
Matapos masaksihan ang masasakit na pinagdaanan ng kanyang mga kapatid dahil sa pag-ibig, isinumpa niya sa sariling hinding-hindi siya iibig sa kahit sinong babae.
Babaero siya.
Nagpapalit ng babae na parang nagpapalit lamang ng damit. Marami ang nagtangkang hulihin ang puso niya, ngunit wala ni isa ang nagtagumpay.
Hanggang sa dumating ang isang gabing nagpabago sa lahat.
Isang babaeng hindi niya kilala ang nakaniig niya—at sa unang pagkakataon, naranasan niya ang kaligayahang hindi kayang ibigay ng kahit sinong babae.
Ngunit nagising siya sa malakas na pagbagsak mula sa kama.
"Fk... panaginip lang ba 'yon?"**
Akala niya ay isa lamang itong pantasya.
Ngunit nang makita niya ang sariwang mantsa ng dugo sa puting kumot, ang marka ng kagat sa kanyang balikat, at ang mga gasgas sa kanyang likod, napagtanto niyang totoo ang lahat.
Sino ang babaeng nakasama niya noong gabing iyon?
-
Si Nadine Moran… isang kilalang architect at isang dalagang ina ng kambal.
Ano ang mangyayari kapag muling nagkrus ang landas ng isang babaerong abogado na takot umibig at ng isang babaeng may mga lihim na handang gawin ang lahat para protektahan ang kanyang mga anak?
At paano kung ang babaeng pilit niyang hinahanap... ay siya ring babaeng unti-unting gigiba sa mga pader na matagal niyang itinayo sa paligid ng kanyang puso?
Unfold
"Vince, pare sama ka sa tropa may pupuntahan tayo mamaya after class."
"Pare, kayo na lang muna at kailangan kung umuwi ng maaga ngayon."
"Si kambal mo na naman ba?"
"Yeah, kaya pasinsya na."
"Ayos lang, next time hindi ka na pwedeng tumanggi."
"Sure, pare."
As usual siya na naman ang um……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……