Mr. Pleasure's Last Woman
Share:

Mr. Pleasure's Last Woman

READING AGE 16+

Neri Steamy Stories

0 read

A Spin-Off of Game of Pleasure's Paolo Maria Punzalan...

Happy go lucky, liberated pero matino namang lalaki si Janzen Punzalan. Kapatid sa labas ng sikat na football player na si Paolo Maria Punzalan. Ang kanilang ama na isang ex-Navy at may-ari na ngayon ng iba't-ibang mga negosyo sa Los Angeles at New York ay nabuntis ang kanyang ina nang nasa Pilipinas pa ito. Wala namang issue ang magkapatid. Parehong hiwalay na ang kanilang mga ina sa kanilang ama.

Ang issue ay nang sa Pilipinas na nanirahan si Janzen kasama ang maysakit na ina. Sa UST pa siya nag-aral ng kolehiyo at kumuha ng kursong BA in Communication. Doon niya nakilala ang ambisyosang unang babaeng kanyang mamahalin, si Andrea. Gagamitin lamang siya nito upang huthutan ng pera at upang sumikat sa social media. Pero bulag ang pag-ibig, hindi iyon makikita ni Janzen. Masyadong manipulative ang babae, ibang persona ang pinapakita nito kapag kaharap ang lalaki. Malambing, mapagmahal at hindi makabasag pinggan. Ang totoo'y fame w***e ito at may bipolar disorder. Head over heels ang lalaki sa kasintahan. Nang maka-graduate sila ay nag-propose siya rito but she declined at sumama pa sa ibang lalaki.

Doon nagsimulang magbago si Janzen. Nag-iba ang paningin niya sa pakikipagrelasyon. Nakipaggamitan nalang siya sa mga babaeng kanyang nakilala. Parang damit kung magpalit siya ng babaeng kanyang isisiping sa kama. Nang pumasok siya sa national basketball team ng Pilipinas ay kaagad siyang sumikat. Magaling siya. Gwapo pa at matangkad. Kasabay din noon ang pag-leak ng mga usapan niya kasama ang mga babaeng kanyang pinaglaruan sa social media. They hated him pero lahat sila'y satisfied sa performance ni Mr. Pleasure.

Makakarating ang balita't eskandalong iyon sa Amerika, sa ama ni Janzen. Dahilan upang ipadala nito sa Pilipinas ang secretary nito na isang Pinoy at ang guy best friend ni Janzen, si Lucas. Ang misyon nito'y makahanap ng babaeng magpapatigil sa pagiging babaero ni Janzen. Kailangang mapaibig ng babae si Janzen. Mapatino at mapakasalan. American ang ama nito kaya naniniwala itong natututunan ang pag-ibig. Kapag nagsasama na ang dalawa ay matututunan din ng kung sinumang mapalad na babae na mahalin ang anak. Matanda na ang Punzalan patriarch nais nitong makitang nasa mabuting kalagayan ang mga anak bago pumanaw.

Magtatagpo ang landas ng tatlong babae na susubok na mapatino si Janzen. Sa una'y mag-aaway-away sila sa atensyon ni Janzen. Unang susuko si Betty dahil sa anak nito. Mabubulgar ang fubu relationship nila ng lalaki kaya para makaiwas sa mas malalang eskandalo ay lalayo na ito.

Matindi naman ang kompetisyon na mamamagitan kina Dorothy at Luna. Hindi maganda ang kutob ni Dorothy kay Luna. At hindi niya rin basta-basta isusuko ang lalaking pinakamamahal. Malalaman niya ang tunay na pakay ni Luna. Ngunit huli na, sa sandaling iyon ay nahulog na rin si Luna kay Janzen. Aayusin ni Janzen ang mga pagkakamali nito sa ate ni Luna. Tuluyang magpapaubaya si Dorothy sa dalawang pusong nagmamahalan kahit na gaano pa man iyon kahirap.

Kilalanin ang mga babaeng ito at si Janzen, ang Mr. Pleasure.

Unfold

Tags: revengesexplayboykickass heroinecomedysweethumorouscityliesathlete
Latest Updated
Special Chapter

Naalala ni Janzen ang mga ikinwento sa kanya ng kanyang kuya Paolo bago ito ikasal...


"Ano ba talang nangyari Chastine Mae?" Paulit-ulit na tanong sa kanya ng kanyang tiya Bebang. "Sino ang ama ng dinadala mo?"


Paulit-ulit lang din ang pagwalang imik niya. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang kwento. Kaba……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.