Claimed by the FALCON
READING AGE 18+
Tiniis ni Haliyah ang lahat, ang sakit, ang pagtataksil, at ang unti-unting pagkawasak ng kanyang pagkatao... sa kamay ng lalaking minsang nagmahal sa kanya ng totoo.Pinakasalan niya ito dahil sa pag-ibig. Ngunit matapos niyang makunan ang kanilang unang anak, ang lalaking nangakong poprotekta sa kanya ang siyang unang sumira sa kanya. Siya ang sinisi. Siya ang pinarusahan. At sa bawat araw na lumilipas, unti-unti siya nitong pinapatay, sa emosyonal at pisikal na paraan.Hanggang sa isang gabi, ay napagod na siyang maging mahina.Tumakas si Haliyah, iniwan ang lahat.. ang kanyang pangalan, ang kanyang nakaraan. At sa pagharap niya sa isang mundong hindi siya kilala at bago sa kanya, ay tinanggap niya ang kung anu-anong trabaho, hanggang sa dalhin siya ng kapalaran sa isang marangyang mansyon, kung saan nagsimula siyang muli bilang isang simpleng katulong.At doon niya nakilala si Azrael Zayd, ang lalaking mas bata sa kanya ng dalawang taon, ngunit ang mga titig nito ay may katahimikang mas matanda pa sa kanyang mga sugat, at may panganib na tila handang lamunin ang buo niyang pagkatao.Isang lalaking hindi niya dapat nilapitan. Isang lalaking hindi niya dapat pinagkatiwalaan.Ngunit sa kabila ng lahat, si Azrael Zayd ang unang humawak sa kamay niya, hindi upang saktan siya, kundi upang ilayo siya sa mundong matagal nang sumira sa kanya.Sa mundong puno ng kasalanan, sekreto, at kapangyarihan, si Azrael Zayd Haddad ang kan'yang naging kanlungan at ang pinakamalaking panganib na dumating sa buhay niya.Ngunit ang tanong...... handa na ba si Haliyah na mahalin ang lalaking maaaring sumira sa kanya nang tuluyan?O si Azrael Zayd ang magiging kasalanan na pipiliin niya, kahit kapalit pa nito ay ang kanyang kalayaan?
Unfold
HALIYAH ISABELLE'S POV
Four years later...
"Ma'am, Haliyah!"
Umalingawngaw ang malakas na boses na iyon sa kalagitnaan ng mahabang pathway. Agad akong napatigil sa paghakbang ay unti-unting bumaling sa aking likuran at nakita ko si Ma'am Chesca.
Ngumiti ako at kuma……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……