HATE THAT I LOVE YOU     By: Authoress Euphoria
Share:

HATE THAT I LOVE YOU By: Authoress Euphoria

READING AGE 18+

Mera Laureta Romance

0 read

SIMULA:
"Arisse, halika na umuwi na tayo" hila sa akin ng bestfriend kong si Kim
"No. I'll stay here. Inom pa tayo. I want to forget" sabi ko at sabay taas ng baso ng whisky.
Tumayo ako sa gitna ng dancefloor at doon sumigaw. Iginiling ko ang katawan ko sa saliw ng kanta. Hinayaan kong sumabay ang katawan ko sa bawat beat ng musika.
"Let's go, Arisse please" bulong sa akin ni Kim nakita kong meron ng lalaking sumasayaw sa gilid niya.
Sino ba namang hindi maaakit sa bestfriend kong sobrang puti ng kutis. May matangos na ilong. Itim ang mga mata at may mahabang pilikmata. Isama mo pa ang itim niyang buhok na hanggang beywang. Ang kanyang labi ay mapula at tama lamang ang kapal. Perfect ang katawan nito parang hour glass.
Muli akong pumikit at dinama ang music sa loob ng bar. Gusto ko lang talagang makalimot sa gabing ito.
Let me please.
Iginiling ko ang aking beywang nang may marahas na mga braso ang humila sa akin. Sumalubong sa akin ang isang mga mata na nagngangalit
"Uuwi ka o kakaladkarin kita palabas" may diin nitong sabi
"Let go of me!" at pilit na binawi ang braso ngunit lalo lamang humigpit ang kapit nito sa akin
Walang ano ano'y hinila niya ako palabas ng bar walang pakialam kung meron kaming nababangga.
"Nasasaktan ako Mark" sabi ko dahilan para bitawan niya ang mga braso ko. Sa likuran niya ay nakita ko si Kim na agad naman akong dinaluhan.
"Sorry. Alam kong di kita mauuwi kaya tinawag ko na si Mark" pagpapaliwanag ni Kim
"Pwede ba Arisse, I know you're a b*tch pero wag mo ng idamay si Kim! Tignan mo palagi na lang dito ko siya naabutan na nag aalaga kapag nalalasing ka! Matinong babae yan wag mong itulad sayo" sigaw ni Mark sa akin
"Bakit di ko namang sinabing samahan niya ako ah! Kusang loob siyang pumunta dito, hindi ko siya tinext o tinawagan. Pinauwi ko na siya, ayaw niya. I wanted to stay!"
"Go, bumalik ka doon!" sigaw niya at tinulak tulak ako papasok ng bar
"Mark" pigil ni Kim sa boyfriend niya
"Nakakainis na Kim pati ikaw mapapahawak dahil sa ginagawa niya eh kung gusto niyang magpakawala siya na lang wag ka ng isama" sabi nito at padabog na pumunta sa kotse niya.
"Arisse, halika na iuuwi na kita. Nangako ako kay Tito na iuuwi kita"
Tinitigan ko ang bestfriend ko. Nakita ko ang pag aalala sa mga mata niya dahilan para pumayag ako.
Tahimik kaming sumakay sa likuran ng sasakyan ni Mark. Katahimikan ang bumalot sa loob ng sasakyan bago ito paandarin ni Mark.
Nakatingin ako sa labas ng bintana. Minamasdan ang bawat sasakyang dumadaan. Ilang buntong hininga ang inilabas ko.
"Are you okay?"
Nilingon ko si Kim. Diretso kong tinitigan ang mga mata niya bago umiling.
"You can tell me everything. I'm always here to listen" sinsero niyang sabi
"Prin is cheating on me" kumawala ang luha na kanina ko pa itinatago
Bakas sa mga mata ni Kim ang pagkagulat at pagkalito.
"How? I mean, imposible si Prin? Baka naman naghihinala ka lang?"
"No, I saw their text messages. I saw all the 'I love you', 'How are you', 'I miss you', Even in our anniversary, she texted the woman 'I wish you're here with me tonight'" lalong bumuhos ang mga luha sa aking mga mata. Marahas ko namang pinunasan ito.
"Ako ang kasama Kim. It was our f*cking anniversary. I surprised him. I did all the things he wanted us to do, then mababasa ko yun! Ang sakit para akong sinaksak at sinasaksak ng paulit ulit, dito" sabay turo sa puso ko bago ipahinga ang ulo sa backrest ng sasakyan. Hinayaan kong tumulo ang mga luha ko.
"Did you two talk already?" singit ni Mark habang sinisilip ako sa rearview mirror ng sasakyan.
"I can't. I can't see him right now. I'm too vulnerable"
"Maybe you should hear his explanation as well" tamad nitong sabi
"Bestfriend mo kasi kaya mo pinagtatanggol. Magsama kayong parehas na g*go!" sabi ko bago pinikit ang mga mata ko
Naramdaman ko ang mainit na kamay ni Kim na humahaplos sa mga palad ko. Inilagay niya ang ulo ko sa balikat niya habang hinahaplos ang buhok ko
"Sshhh. Everything will be okay. Calm down first. You don't wanna talk to him habang galit ka baka mas lalong di kayo magkaintindihan. Magpahinga ka na muna"
Tumango ako bilang tugon.
5 years. Akala ko matibay na kami. Akala ko sapat na yun para masabing mahal namin ni Prin ang isat isa. 1st year high school nang makilala ko siya. The moment I saw him I know he's the one kaya nga nung nangligaw siya sinagot ko siya agad. I was happy in our relationship. Contented sa mga bagay na ibinibigay niya sa akin. Everyone na makakita sa amin ay palaging sinasabi na "we are made for each other" and I f*****g believe that! I love him with every bits of my heart but he just hurt me! He hurt me that I feel like I am dying. I want this feeling to stop
It hurts. F*cking hurt!

Unfold

Tags: arrogantdramaothersenemies to loversoffice lady
Latest Updated
Chapter 36

Chapter 36.1

Sinundan ko si Mark kahit anong tawag ko sa kanya ay di niya ako nililingon. Pumasok siya sa kwarto at nang ako na ang papasok ay di ko na mabuksan yun dahil naka lock na ito.

"Mark, open the door please" sabi ko at tuloy tuloy na kumatok

"Please, hear me out" "Open this now" patuloy kong sig……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.