Marahuyo
Share:

Marahuyo

READING AGE 16+

Anj Jimenez Fantasy

0 read

Matagal ng panahon ang nakalipas, daan-daan at samu't saring elemento ang nagpapakita sa kalaliman ng gabi. Nang mga panahong iyon, pagmamay-ari ng mga elemento ang gabi at ang umaga nama'y sa mga tao. Karaniwan lamang ang ganoong pangyayari sa lumang panahon. Ngunit sa pagdaan ng maraming taon, nawala ang mga elemento at nabubuhay na lamang sa kuru-kuro at kuwento.

Bata pa lamang ay naniniwala na si Eeya na totoong nabubuhay ang mga elemento dahil na rin sa impluwensya ng kanyang Lola Esting. Matapos mawala ang kanyang lola, nanatili si Eeya sa kanilang munting templo upang kanyang alagaan.

Mag-isa man ay hindi nawalan ng inspirasyon si Eeya dahil sa bagong ka-eskwela niyang si Joaquin. Hindi man naging maganda ang kanilang unang pagkikita ay gagawin niya ang lahat para mapalapit ang loob nito sa kanya.

At sa pagdating ng araw ng paghahandog na siyang kapistahan ng pasasalamat sa kanilang baryo, isang misteryosong lalaki ang dumating upang magdasal. Unang tingin palang ni Eeya sa kanya ay alam niyang may kakaiba na rito.

Hindi nagkamali si Eeya sa kanyang hinala. Dahil mismo sa kanyang harapan ay nag-iba ng anyo ang lalaki at kanyang nakilala ang kinatatakutan ng lahat ng elemento-- si Isagani.

Unfold

Tags: opposites attractbxgseriousmysterysuperpowersupernaturalharem
Latest Updated
Kabanata 65

Sa lakas ng kapagyarihang taglay ng kwintas ay sadyang binitawan iyon ng matanda. “Maaaring maging balakid ito sa prinsesa. Dito pa lang ay sisirain ko na ito.”

Ngunit bago pa man tuluyang maapakan ng matandang elemento ang kwintas ay bigla na lamang ito naglabas ng nakabubulag na liwanag. Tumilapon ang matanda sa malayo saba……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.