My Serbidora owns me. George Zoran Zither
Dahil sa kahirapan ay napilitan si Lalaine na magtrabaho sa isang bar bilang isang serbidora na pag-aari ni George Zoran Zither.
Isang simpleng babae lamang si Lalaine na lumaki sa pangangalaga ng kaniyang ina na umampon sa kaniya nuong napulot siya nito sa simbahan na umiiyak at pagala-gala nuong apat na taong gulang pa lamang siya.
Nakuha ni Lalaine ang atensyon ni George, at mula nuon ay hindi na siya tinigilan ng binata hanggang sa tuluyan na ring nahulog ang loob ng dalaga sa isang Bilyonaryong Zither.
Naging masaya ang pagsasama nila hanggang sa malaman ni Lalaine na ikakasal na si George sa babaeng ipinagkasundo sa kanya ng mga magulang nito.
Nagawang lumayo ni Lalaine at iniwan ang binata dahil sa pakiusap ng ina ni George, at naiwan naman ang binata na nagdurusa dahil sa paglisan niya.
Naging matigas ang puso ni George at tanging galit lamang ang nararamdaman niya sa babaeng pinangakuan niya ng bukas ngunit iniwan siyang luhaan.
Sa muling pagbabalik ni Lalaine, matanggap pa kaya siya ni George?
Malaman kaya ni George na ang kanyang ina ang dahilan kung bakit lumayo sa kanya ang babaeng minamahal niya?
Alamin natin ang kapalaran ng dalawang pusong nagmamahalan ngunit nakatakdang ikasal sa mga taong hindi nila mahal.
Unfold
George's POV
Ikinasal kaming muli ni Lai. Isang engrandeng kasalan ang naganap habang ipinagbubuntis niya ang anak namin. Tuluyan na ngang gumaling ang puso ng asawa ko. May kalakihan na ang tiyan niya na kahit tatlong buwan pa lamang ay mapapansin na ito.
"Hindi ka ba nahihirapan sa tiy……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……