The Billionaire's Ex-wife's Revenge
Share:

The Billionaire's Ex-wife's Revenge

READING AGE 18+

Faith Love Hope Dreame Romance

0 read

Blurb
Siya si Lailyn Santiago, simpleng babae at walang maipagmamalaking ganda. Ngunit di niya inaasahan na magustohan s'ya ng isang bilyonaryong binata na si Mr. Marcus Gavin Monteverde. At ex boy friend pa ng kanyang among dalaga.
Una'y di s'ya naniniwala rito dahil bukod sa di s'ya maganda ay mahirap lang din s'ya kaya imposibleng magkagusto ito sa kanya. Subalit pilit nitong idinikit ang sarili sa kanya. Kaya natagpuan nalang niya ang sariling sinagot ito dahil sino ba kasi ang babaeng aayaw sa tulad ng guwapo at bilyonaryong binata? hangga't pinatunayan pa nito sa kanya na talagang mahal siya nito dahil pinakasalan talaga s'ya ni Marcus.
Ngunit hindi s'ya tanggap ng pamilya nito at marami s'yang negative na naririnig na isang araw ay ipagpapalit din s'ya ng asawa sa iba.
Hindi naman niya napigilan ang sariling ma-insecure sa mga magagandang babaeng minsan makasalamuha ng kanyang asawa lalo na't di s'ya maganda at malayo lang ang kanyang hitsura sa mga magagandang dalagang minsang nakakaharap ng asawa.
" Bakit ka nagdududa sa pagmamahal ko, Lyn, darling? hindi pa ba sapat sa'yo na pinakasalan kita at binigyan ng time? hindi kita pakakasalan kung hindi kita mahal, kaya h'wag kang makikinig sa mga negative na narinig mo. I love you so much darling. Ikaw lang talaga." Matamis na wika nito at pangako pa ng asawa na pinanghahawakan naman niya.
Para sa kanya ay s'ya na ang pinaka swerteng babae sa buong mundo dahil pag-aari niya si Marcus at asawa s'ya nito. Subalit minsan ay mapapahiya pa s'ya sa tuwing ipakilala siya nitong asawa sa mga party na dadaluhan nila. Hindi s'ya nito itinago sa bahay kundi proud talaga itong dalhin siya kapag may mga importanteng party itong daluhan.
"Oh my goodness, why did she become your wife, Mr. Monteverde? Are you blind?" Walang prenong wika pa ng isang magandang babaeng isa sa mga guest sa party'ng iyon.
Natigilan naman si Marcus sa sinabi ng magandang babae at nakatingin sa kanya. Mahigpit s'yang hinawakan ng asawa at pinisil iyon na ibig sabihin ay h'wag niyang pansinin ang sinabi ng babaeng kaharap nila.
" Ay! sorry. Nadulas tuloy ang dila ko." Nakangiti pang wika nito sa kanila at lalo na sa kanya.
Hiyang-hiya siya ngunit ayaw naman n'yang mang away dahil mas lalong mapahiya pa si Marcus kung maging palaaway pa s'ya.
Wala nang mahihiling pa si Lailyn. Basta kasama lang n'ya ang asawa ay okay na ang lahat para sa kanya. Ngunit lumipas ang tatlong taon na pagsasama nila ay hindi s'ya nabuntis. Nagpa check up naman sila ngunit nagulat s'ya nang malaman na s'ya ang may diperensya at di daw niya kayang bigyan ng anak ang kanyang asawa.
Mula noon ay nagsimula na ang kalbaryo sa buhay ni Lailyn. Napansin na n'yang naging malamig na sa kanya si Marcus at tila nagbago ang pakikitungo ng asawa sa kanya. At minsan ay dalawang araw na itong hindi umuuwi.
Nasaktan s'ya ngunit tiniis lang niya ang lahat.
Hangga't nagimbal nalang s'ya isang araw nang umuwi si Marcus na dala ang isang magandang babaeng buntis!
" M-marcus!? a-anong ibig sabihin nito?" Umiiyak niyang tanong sa asawa at parang sinaksak ang kanyang dibdib ng patalim ang sa mga sandaling iyon!
"Lailyn, I hope you understand me. She is Haneline. I paid her to get pregnant with my child. Hindi ko na sinabi sa'yo ang tungkol dito dahil nahirapan ako. At ngayong malapit na s'yang manganak ay kailangan ko s'yang dalhin dito upang maalagaan ng isang Doctor ng obstetrician-gynecologist or OB-GYN. Upang healthy ang anak ko." Ang sabi ng asawang si Marcus habang nang-uuyam namang nakangiti sa kanya ang magandang babaeng buntis.
Parang dinaganan ng buong mundo si Lailyn sa kanyang nalaman at narinig mula sa asawa. Talong-talo s'ya sa babae. Bukod sa maganda ito ay buntis na ito sa anak ng kanyang asawang si Marcus!
"At ako Marcus!? paano ang naramdaman ko? hindi mo ba iniisip na sobrang sakit ito sa akin?! niloloko mo ako at iniinsulto! porke't ganito lang ako, hindi mo nirerespeto ang naramdaman ko bilang asawa mo!" Malakas n'yang iyak sa harap ng asawa at ng babaeng buntis.
"Sawang-sawa na ako, Lailyn! gusto ko na ng anak! kaya h'wag mo akong sisihin. Kung hindi mo kaya ang ginawa ko, you're free to leave my territory!" Malakas na sigaw ng kanyang asawa.
Nanlumo si Lailyn at tila nawalan s'ya ng lakas at pag-asa sa buhay.

Unfold

Tags: HEheir/heiress
Latest Updated
CHAPTER 84-The Special Chapter

Pagod na pagod sila sa kanilang kasabikan sa isa't isa. Pero kapwa naman sila maligaya ng mga sandaling iyon sa kanilang muling pag-iisa.

Pagkatapos nilang mags3x ay magkayakap silang mag-asawa ng mahigpit. Magkatabi si Lailyn at ang kanilang anak na mahimbing na natutulog at walang kamalay-malay sa ginawa ng mga magulang. Si Marcu……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.