NINONG FABIANO (SPG)
Share:

NINONG FABIANO (SPG)

READING AGE 18+

Faith Love Hope Dreame Romance

0 read

Si Fabiano Saavedra ay isang kinilalang galing sa mayaman at maimpluwensyadong pamilya at isa sa tagapagmana ng kanilang angkan . Siya'y apo ng yumaong Secret trillionaire at Hacienderong si Don Manuel Saavedra. Panganay siyang anak ni Senior Ricardo at Seniora Elaiza Saavedra.
Lihim namang umibig sa binata ang anak ng tauhan sa Hacienda na walang iba kundi ang dalagang si Luissa. Kinilala nitong Ninong ang among binata, dahil sa galante nitong magbigay sa kanya ng pera at mga mamahaling bagay na gustong-gusto naman ng dalaga. Kinilala na rin silang tunay na pamilya ng mga Saavedra dahil bukod sa matalik na kaibigan ni Ninong Fabiano ang kanyang amang si Terio ay matagal na rin ang kanyang amang nanilbihan sa loob ng Hacienda lalo na ang kanyang Lola Vicenta.
Ngunit nagbago ang lahat nang magtraidor ang kanyang ama sa kanyang Ninong Fabiano. Sa galit ni Ninong Fabiano sa kanyang ama ay sa kanya naibaling ang lahat na galit nito nang pinuwersa ng kanyang ama ang babaeng nagustohan ng Ninong niya at nais sanang pakasalan.
Kaya siya ang nagdusa sa malaking kasalanang ginawa ng kanyang ama.
Minalas si Luissa nang makulong Ang kanyang ama at namatay pa ang kanyang Lola Vicenta dahil inatake ito sa sakit sa puso nang malaman nitong pinuwersa Ng anak ang girl friend ng kanilang among binata.
Bilang ganti ng kanyang Ninong ay lihim s'yang inangkin nito upang makaganti ito sa ginawa ng kanyang ama.
At ang akala ni Luissa ay sa tagal at paulit-ulit s'yang inangkin ng kanyang Ninong ay nagkagusto na rin ito sa kanya at umaasa s'yang totohanin at mamahalin din s'ya nito. Ngunit isang araw ay bigla na lang nitong pinutol ang ugnayan nila sa isa't isa at ipinamukha nito sa kanya na kahit kailan ay di ito magkakagusto sa isang tulad niya. Iniwan s'ya nito sa Hacienda na parang basahan at ito'y nangibang bansa.
Dahil sa kanyang kalungkutan at kabiguan ay kusa na rin s'yang umalis sa Villa ng hacienda dala ang pagkasuklam niya sa lalaking minahal niya sana ng labis.
Isang lihim naman ang kanyang iniwan sa Villa ng Hacienda na balang araw ay kailangan niyang babalikan. Nabuntis s'ya ng lihim dati ni Ninong Fabiano .
At sa mismong villa lang din niya iniwan ang bata na walang nakakaalam na s'ya ang tunay na Ina nito.
Nagpunta s'ya ng Maynila noon pagkatapos niyang isinilang ang kanyang sanggol, kahit masakit sa kanya na talikuran ito ay wala s'yang magagawa. Dahil sa kanyang murang edad at kalagayan ay di naman niya mabigyan ng magandang buhay ang kanyang anak.
At sa pakikipagsapalaran niya sa Maynila ay di niya akalaing pinalad s'ya sa ipinakita niyang galing sumayaw at umakting kaya sya'y nadiscover at kinuha siyang artista sa kaibigan ng kanyang amo doon na isang sikat at malakas na producer. Hangga't nagkaroon s'ya ng maraming project at sya'y sumikat sa larangan ng showbiz.
Sa kanyang pagbabalik ay misyon niyang kukunin ang kanyang anak dahil kaya na niya itong bigyan ng magandang buhay. Magtatatagumpay kaya s'yang kunin ang kanyang anak na nasa pangangalaga ngayon ng mga Saavedra? sa mismong poder ng sarili nitong ama?
Sa ayaw at sa gusto niya'y kailangan niyang muling magpakita sa Hacienda para kukunin ang kanyang anak na napipilitan niyang abandonahin dahil sa mapait niyang nakaraan..

Unfold

Tags: forbiddenHEheir/heiress
Latest Updated
CHAPTER 85

"SPECIAL CHAPTER"

Kapwa sila masayang-masaya ng mga sandaling iyon at

pinupog siya ng halik ni Fabiano mula sa kanyang mga labi hangga't sa kanyang leegan. Maalab naman niyang tinugon ang mga halik nito sa kanya. Para sa kanya ay iyon na ang finale at tuloy-tuloy na talaga ang kanilang kaligayahan.

Nakil……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.