I LOVE YOU.. GOODBYE
Share:

I LOVE YOU.. GOODBYE

READING AGE 16+

lady dhanie Romance

0 read

Nangibang bansa si Dolly para maiba naman ang landas niya na tinatahak at para lumayo sa mga masasakit na karanasan na nangyari sa kanya ng mga nakaraang panahon. Mula pagkabata ay nabatbat ng hirap at sakit ng kalooban ang kanyang puso. Sa totoo lang ay wala siyang naalala na naging masaya siya. Galing siya sa broken family at parehong magulang niya ay nagsipagasawa ng iba at kinalimutan siya. Kaya lumaki siya na laging nakikitira lamang, at dahil doon ay nakapag asawa naman siya ng maaga na naging isang sumpa sa pagkatao niya. Minalas siya dahil maling tao ang pinakasalan niya.

Nagkaroon siya ng oportunidad na makapagtrabaho sa ibang bansa, na hindi niya sinayang at agad siyang gumawa ng pagkakataon na makalayo.

Maraming taon ang lumipas sa kanya, naging masaya din naman siya doon, nagkaroon siya ng maraming kakilala at mga tunay na kaibigan, naaliw siya at kahit papaano ay nakalimot sa kirot ng kahapon.

Isa pang dahilan kung bakit siya naging lubos na masaya ay dahil kay Vhins. Ang lalaki na itinangi niya sa buhay niya, ipinaramdam sa kanya nito na isa siyang mahalagang babae na dapat mahalin alagaan at ingatan.
Sa tulong nito ay tuluyan niyang nakalimutan ang lahat ng masasakit na karanasan at napalitan ng hindi mahalilip na kaligayahan sa piling nito. Walang oras na hindi siya naging masaya, dahil napakabuting tao sa kanya ng binata.

Pero sadyang ipinanganak na yata siya para masaktan at hindi pwedeng lumigaya kailanman.
Pero madali niyang natanggap iyon, isip niya ay naging masaya na rin naman siya kahit sa sandaling panahon na kasama ito dahil ang katumbas niyon sa kanya ay magpakailanman.

Ngayon ang iniisip na lang niya ay ang kaligayahan ng kanyang minamahal na lalaki. Nakahanda siyang iwan si Vhins kahit ang kapalit ay kalungkutan na habang buhay na yatang maninirahan sa puso niya. Pero para sa pagmamahal ay gagawin niyang lumayo dahil alam naman niya sa umpisa pa lang na hindi siya ang karapat dapat na mahalin nito

Unfold

Tags: forbiddenaloofmistressdramasweetno-couplecowboycitysecrets
Latest Updated
Chapter 50

May pagkakataon na parang gusto niyang maiyak.

Going to three months na ang kanyang sinapupunan and yet walang Vhinz na kumokontak sa kanya. Ayaw niyang mag isip ng kahit na anong negative laban sa lalaki dahil pilit na sinasabi ng puso niya sa utak niya na kilala niya si Vhinz. Iba ang lalaki sa lahat.

Pero hindi pa rin niya maiw……

Comment

    Navigate with selected cookies

    Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.

    If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.