Marry Me Again, Jhona
READING AGE 18+
#TL Prompt Writing -Now You Want Me?
Isang kasunduang nagsimula sa kasinungalingan ang nagbukas ng pintuan para sa lahat ng sakit na hindi kailanman inaasahan ni Jhona Marie Lopez. Dalawampung taong gulang, puno ng pangarap, ngunit sa isang pirma lang, naipagbili niya ang kalayaan kapalit ng pag-asang mabuhay ang kanyang ina at mapagtapos ang kanyang pag-aaral.
Hindi niya akalain na ang sahig na kanyang nililinis sa ospital ang magiging tulay para makilala ang lalaking magpapagulo ng buong pagkatao niya si Ryker Crowley, seryoso, mayaman, at ubod ng lamig kung tumingin. Isang taon. Isang kasal. Isang papel na walang katotohanan. Ganun lang dapat kasimple. Pero bakit nang bumilang ang mga buwan, hindi na kayang kontrolin ni Jhona ang t***k ng kanyang puso?
Sa bawat hawak-kamay sa harap ng lola ni Ryker, sa bawat peke nilang yakap sa mata ng media unti-unting nagiging totoo ang lahat para kay Jhona. Ngunit para kay Ryker? Walang kasiguraduhan. May Mharimar Allpas siyang laging nasa tabi ang babaeng kayang ibigay ang lahat ng hinahanap ng board, ng ospital, ng buong mundo. Maliban sa isang bagay: ang init ng damdaming hindi kayang bilhin ng pera.
Dumating ang araw ng annulment. Isang pirma. Isang pirasong papel na winakasan ang mundong akala niya’y magiging totoo balang araw. Isang pirma na parang kutsilyong bumaon sa puso niyang inialay na ang lahat kahit alam niyang hindi naman siya ang pinili.
At nang bumalik si Mharimar sa tabi ni Ryker, tila wala na siyang natitirang dahilan para lumaban. Lumisan siyang mag-isa, tangan ang lihim na sa bawat hakbang palayo, may naiwang patak ng dugo mula sa sugatang puso niya. Ngunit mas malupit pa pala ang tadhana nang malaman niyang may batang nagmumula sa kasinungalingang iyon.
Hindi siya humingi ng tulong. Hindi siya umiyak sa pintuan ni Ryker. Pinili niyang magbuntis sa katahimikan, magbanat ng buto, at buuin ang pangarap hindi lang para sa sarili, kundi para sa batang walang kamalay-malay kung paanong ang pagmamahalan ng kanyang mga magulang ay itinapon sa papel na walang halaga.
Apat na taon. Isang anak. Isang pangarap na natupad. Isang pusong pilit bumangon sa mga gabi ng alaala. Ngunit paano kung ang nakaraan ay biglang kumatok muli? Paano kung ang lalaking minsang sinumpa niyang mamahalin ay bumalik para bawiin ang lahat ng itinapon?
Handa ba siyang magpatawad? Handa ba siyang muling magtiwala? O ang sugat na minsang iniwan ay muli lang bubuksan, para ipaalala na hindi lahat ng pagmamahalan ay dapat pang buhayin?
Ngayon, kung darating si Ryker sa harap niya hawak ang pangakong wala nang kasinungalingan kakayanin ba ni Jhona na sabihing... Oo?
Unfold
Ryker’s: POV
Kasalukuyan akong nagsasagawa ng internal examination sa isang pasyente. Ipapasok ko na sana ang kamay ko nang paulit-ulit na mag-vibrate ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa dahil sa sunod-sunod ng mensahe sa Messenger. Napailing ako at pinabayaan iyon.
Ipinasok ko na ang kamay ko sa kiffy ng pasyente ko.
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……