The Hottie Young Grandpa
READING AGE 18+
sampung taong gulang pa lamang si Karishma nang mamatay ang kanyang ina. Ang kanyang Mamita na lamang ang natitira niyang kasama sa buhay dahil ang kanyang tunay na ama ay hindi niya na nakilala. Aaminin niya na naging pasaway siya at laki sa layaw dahil lahat ng kanyang mga nais ay ibinibigay ng kanyang Mamita. Sabi nga nito, pupunan niya ang pagkukulang ng kanyang mga magulang at ibibigay ang kanyang mga nais kung kaya nilulubos lubos niya ito. May mga pagkakataon na hindi makontrol na hindi na siya makontrol ng kanyang Mamita lalo na ng tumuntong siya sa legal na edad, naging mas mapusok at mapangahas siya na bagay na nakakapagpasakit sa ulo ng kanyang Mamita.
Isang araw ay nabigla na lamang siya ng ipakilala ng kanyang Mamita ang isang lalaki na ilang taong mas bata rito. Magkahalong galit at inis ang kanyang nararamdaman dahil gusto niyang protektahan ang kanyang mamita mula sa mga lalaking ang habol lang rito ay ang kanilang yaman pagkatapos ay sasaktan. Sa labis na galit ni Karishma ay naglayas siya at nagtungo sa isang club kasama ang kanyang mga barkada upang ilabas ang lahat ng kanyang sama ng loob para sa kanyang Mamita at sa lalaki nito dahil ito ang kauna - unahang beses na sinigawan siya ng lola dahil sa lalaki.
“Hoy! Young Grandpa! Manggagamit! Akala mo ba papayag ako sa relasyon niyo ni Mamita? Alam ko na ang liko ng bituka niyong mga mukhang pera! Maghahanap ng matandang papatulan para mahuthutan!” sigaw niya sa lalaki. Umiikot ang kanyang paningin at walang pakialam na diretsong pinagsalitaan ng masasakit na salita ang lalaki na bagay na ikinagalit ni Gael. Dahil sa labis na kalasingan ay hinamon niya ang lalaki na kaya niyang painitin ang katawan nito na hindi kayang gawin ng kanyang Mamita at tuluyang bumigay si Gael, nadala ang binata sa maharot na pagkilos ng dalaga subalit tila nahimasmasan ang lalaki at bumalik sa tamang pag-iisip bago pa man tuluyang may mangyari sa kanila.
Nang mga sumunod na araw ay hindi na nakita ni Karishma si Gael subalit naiwan sa kanyang balat ang mainit nitong kamay at ang bakas ng tamis ng kanilang paghahalikan ng nagdaang gabi. Hindi niya makalimutan ang lalaki at patuloy na nangangarap na matuloy ang naudlot nilang romansa. Sa muli nilang pagkikita ay tila unti- unting nahuhulog ang dalaga kahit pa itago niya ang kanyang nararamdaman sa pamamagitan ng pekeng galit. Pero paano ang gagawin niya kung ang binata ay nakatakdang ikasal sa kanyang Mamita? Titikisin niya ba ang kanyang nararamdaman o ipaglalaban ang kanyang pagmamahal kahit na masaktan ang kanyang Mamita?
Unfold
“Then, prove it to the court. Patunayan mong wala kang kasalanan.” pagkasabi ko noon ay mula sa aking likuran ay pumasok ang mga pulis kasama sina Gael, Attorney Javier at ang kaibigang pulis ni Gael na si Aizen.
Ang ilan sa mga naroroon kabilang na ang dalawang matandang kasama ni Agatha noon na sina Mr. Lozano ay hinuli ri……
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Waiting for the first comment……